Fourteen

141K 3K 175
                                        

"I HAVE to go back to my apartment," sabi ni Sab habang nakaupo sa kama at nagkakabit ng drop diamond earrings sa mga tainga.

Wait, bakit nga pala niya isinusuot iyon? Nilalaro niya lang naman si Phin kaya nagpabili siya kunwari ng diamonds dito. But then again, she liked the earrings, they were so beautiful, kaya itinuloy niya ang pagsusuot.

"Bakit aalis ka? This is your new place now," kunot ang noo na sabi nito. Nakahiga pa rin ito sa kama, nakabuyangyang ang maliit nitong demonyo. Mabuhok ito sa bahaging iyon. Maninipis lang naman pero curly at mayabong, abot hanggang puson nito, and in her fertile imagination his pubic hair looked like a lick of black fire.

"I don't have any plans to spend the night with you again." Lalamugin lang uli siya nito. Aba, sulit na sulit naman ito sa ibinabayad niya, masyado itong masuwerte.

"May sinabi ba ako na mag-o-overnight ako rito?" defensive na sabi nito, umupo rin at padarag na inabot ang lukot na buttondown shirt. "Babalik ako sa casino dahil may mga kailangan akong tapusin."

"Walang pumipigil sa iyo. Pero lilinawin ko lang: Hindi ko tinatanggap ang property na ito. Hindi ako lilipat dito. But we can use this para magkita. The place is fabulous for fucking, darling."

"The fuck? Bakit ang gulo mo? Nagustuhan mo ba ang bahay na binili ko sa iyo o hindi?" he snapped.

"I said, for fucking, it's fine. But as my new home, no thanks."

"And could you tell me the reason why?"

"Hindi ako nagpapabahay sa iyo, devil."

She was an independent woman. At para sa kanya, para na rin niyang ginive up ang part ng independence niya kay Phin kung magpapabahay siya rito. That just didn't sit well with her, considering their setup. Na-blackmail na nga siya nito, bibigyan pa niya ito ng another slice ng freedom niya?

"May sinabi ba ako na iyon ang intensiyon ko kaya kita binilhan ng bahay?!" defensive na naman na sabi nito. "Barya lang sa akin ang ipinambili ko nito, pati lahat ng alahas mo! Kahit sino puwede kong bigyan ng mga iyon!"

"Oh I'm sure, 'cause you're richer than Beelzebub," she mocked him. "Another reason kung bakit hindi ko matatanggap ang place na ito."

"Just what the fuck does that mean?"

"Kung magpapabahay man ako, sisiguruhin ko na hindi sa lalaking tulad mo na kuwestiyonable ang moralidad."

Ngumisi ito bagaman hindi amused kahit kaunti. "As if you didn't like being thoroughly fucked by this man with a black soul, vixen."

"Oh you're exciting in bed, devil. Pero hindi ko gugustuhing makipagrelasyon sa kagaya mo."

"And I'm never gonna ask for a relationship with no bitch, especially a vixen like you!" Tumayo ito at itinuloy ang pagbibihis.

"Eh di mabuti kung ganoon!" Nagbihis rin siya. Buwisit. Dapat umalis na lang agad siya kanina kaysa kinausap pa ito. Hindi pa siya nadala. Tuwing nag-uusap sila, nauuwi lang laman iyon palagi sa word war.

Pagkatapos nitong magsapatos, tumayo ito sa harapan niya, hindi pa tapos. "Next time na banggitin mo ang corrupt na moralidad ko, alalahanin mo kung saan galing ang ipinakain at ipinampaaral sa iyo ng parents mo, dahil sigurado ako na hindi lahat iyon galing sa government salary nila."

Umawang ang bibig niya. Did he just drag her parents into their argument? Oo nga, guilty ang parents niya, but seriously, he had to stoop that low?

"I'm cunning, but I sure have never stolen from anyone before. Oh yes, my parents are pretty decent, I think that's why. Ikaw ang pinalaki ng mga magnanakaw rito, vixen. Kaya huwag mong palabasin na napakataas at ubod ka ng linis."

SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon