Twenty-Four

163K 3.5K 271
                                        

NAKAPIKIT na hawak nang mahigpit ni Sab ang pregnancy test kit. Ilang linggo nang delayed ang period niya kaya naisipan niyang gumamit niyon.

"Okay. Let me see it." Unti-unti siyang dumilat. Surprise! Two lines. "Akh! Devil, ang bagsik mo!" Kailan lang nang huminto siya sa pag-take ng pills, pagkatapos ay nabuntis na agad siya. May sungay at mga pangil din yata ang sperm ng demonyo, walang kawala ang egg cell niya.

Naramdaman niya ang pagpasok nito sa bathroom. Nataranta siya kung saan itatago ang pregnancy test kit.

"The fuck is that, vixen?"

"Nothing."

"What the fuck is that?!" Sinunggaban siya nito buhat sa likuran at pilit na binuksan ang kamay niya para makuha ang hawak niya. Tiningnan iyon, pagkatapos ay ngumisi. "Huurrr. You're pregnant!"

There went her plan of suprising him.

"Bakit galit ka pa?"

"I'm fucking happy!" sigaw uli nito. Binuhat siya nito palabas ng bathroom.

"Phin!"

"This wonderful news made me horny. I need to fuck you."

"Ugh! Lahat na lang ginagamit mong dahilan," sermon niya rito pero natatawa naman.

"It's your fault. You're what my fucking dreams are made of, vixen." Ibinagsak siya nito sa kama at kinubabawan.

HINDI excited si Phin, nagpa-baby shower ito pagsapit ng weekend kahit wala pa naman siyang baby bump. Sa isang events room sa isang five-star hotel iyon ginanap. Inimbitahan nito ang pamilya nito at mga pinsan.

"Hi. Thank you for coming." Tiningnan niya ang mukha ng lalaking bagong dating at pilit hinanap sa memorya ang pangalan nito. Ngayon pa lang niya nakakaharap ang ilan sa relatives ni Phin kaya medyo nangangapa pa siya kung sino ang sino. Lalo na sa mga pinsan nitong lalaki. They were all tall and good-looking. Damn their genes, she was positive it had created a massive riot in a lot of girls' hearts and lives. "Peyton, right?"

"Yes. And no, thank you for coming into Phin's life," nakangiti ang light brown na mga mata na sabi ni Peyton. He was half-American. May consensus rin na ito ang may pinaka-likable personality sa Polivega cousins, and the most wholesome image and looks. Indeed mapagkakamalan itong modern Prince Charming. "He used to be so anti-social before. Maski sa aming relatives niya, madalang siyang makipag-socialize. Ang laki na ng ipinagbago niya. Dahil sa iyo, mas nagiging tao na ang cousin ko."

"What's that, Pey-pey? May sinasabi ka ba tungkol sa akin?" Phin stood beside her, may nakaipit na tabako sa mga labi. Physically, nagbe-blend in ito sa mga pinsang lalaki. Pero kung sa character at personality, stand out ito. His devilishness just couldn't be denied, and she was happy and proud that he was the Polivega man who had swept her off her feet. Her standards in men might suck, pero alam niyang hindi nagkamali ang instincts niya rito. Phin was the right man for her.

"Don't call me Pey-pey. That's not my name." Alright. Basta huwag lang itong tawaging "Pey-pey," Peyton was a nice guy.

"What's that, Pey-pey?" pang-aasar uli ni Phin.

"Binabawi ko na. Maybe you haven't changed drastically after all." Hinawakan siya ni Peyton sa braso bilang pag-e-excuse sa kanya. Bigla namang tumunog ang engine ni Phin, nagalit sa paghawak sa kanya ni Peyton, kaya gulat itong napalingon.

"Don't mind him. He only needs an oil change," sabi ni Sab at pinalo si Phin sa braso para tumigil ito sa pag-angil.

"Heck, you're weird, Phin," sabi ni Peyton at nagtuloy-tuloy na sa loob para samahan ang ibang naroon na nagkakasiyahan na. Maski ang parents ni Sab ay dumating sa baby shower. Kausap ito ng parents ni Phin.

SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon