Eighteen

133K 3.2K 259
                                        

"COME with me inside. I'll show you my room."

"Um, no thanks," tanggi ni Sab pero wala ring magawa dahil hinihila na siya ni Phoebe papunta sa bahay ng lola nito. It was a mansion, pero hindi nakaka-shock ang laki tulad ng mega-mansions na nakita niya kanina sa exclusive village na kinaroroonan nila. Which meant that Phin's parents were wealthy but not showy.

"I want to know kung sa tingin mo ba ay okay lang na i-pair ang black Chuck Taylors ko sa dress na ito, 'cause, you know, I can't wear heels. Natutumba ako."

"I'm sure those Chucks will look cute with your new dress."

"I knew it, iyan ang sasabihin mo! You're gonna be the coolest mom ever, Sab."

Eh? Balik na naman sila doon?

"Phoebe."

Sabay silang natigilan ni Phoebe nang makita ang palapit sa kanila. Ang mommy nito. As usual, may hawak iyong Hermes bag. Bubblegum pink.

"Mom, ano'ng ginagawa mo rito?" matabang na bati ni Phoebe sa ina.

"Nabasa ko sa post mo na naghahanap ka ng dress para sa prom mo. Sasamahan sana kita." Tiningnan nito ang malaking box na hawak ni Phoebe. "Nakabili ka na?"

"Yes, sinamahan ako ni Sab, so you shouldn't have bothered coming here."

"Let me see." Kinuha nito ang box at tinanggalan ng takip. "It's ugly. Wala kang taste," sabi nito sa kanya.

"Ako ang pumili niyan, mom, not Sab. What's wrong with you? Sheesh." Kinuha uli ni Phoebe ang box, naiinis na pinintasan ng mommy nito ang nagustuhan nitong damit.

"Kung ako ang kasama mo, maihahanap kita ng perfect dress para sa prom mo." Sa kanya pa rin ito nakatingin. Tsk! Hinahamon talaga siya ng bruha. Pero hindi iyon ang tamang lugar para pumatol siya rito. Kailangan niyang irespeto ang tahanan ng grandparents ni Phoebe. "Pero dahil cheap ang kasama mo kaya cheap rin ang nakuha n'yong damit," patuloy nito.

Okay. Papatol na siya. Nang kaunti. Pipigilan na lang niya ang sarili na sabunutan uli ito.

"Um, excuse me? Ang cheap dito ay ang acting at mga linyahan mo na pang-telenovela. Tigilan mo na iyan. Hindi ako nai-intimidate sa mga copycat."

"How dare you! Do you know who I am? Alam mo ba kung gaano kalayo ang breeding nating dalawa? I'm a Schulze. Ikaw?"

"Oh right! Naalala ko. Galing ka sa angkan ng mga magaganda at sikat na model at actress na nanunuhog ng mga mayayaman. Sa ganoong paraan kayo nakaakyat sa high society, am I right?"

"You!" Aktong susugurin siya nito pero humarang si Phoebe. Huh. Another Polivega na pinrotektahan siya.

"Mommy! Tama na."

"Aalis na ako, Phoebe. I enjoyed hanging out with you today. Till next time." Naglakad na siya paalis.

Sumunod sa kanya si Phoebe hanggang sa labas. "I'm so sorry, Sab. I don't know what's gotten into my mom. She's not usually catty like that. Maybe nate-threaten lang siya ngayong nakahanap ng iba si Daddy."

"Dahil baka hindi na niya maperahan ang daddy mo?"

Hindi iyon naitanggi ni Phoebe. "Yeah. She loves Dad's money."

"Sabihin mo sa kanya wala siyang dapat na ipag-alala. Matagal pa bago magkakaroon ng bagong legal wife ang daddy mo, iyon ay kung may makakatiis sa ugali niya."

May nakita siyang lungkot sa mga mata ni Phoebe, pero hindi na niya iyon pinansin. Sumakay na siya ng Lambo.

PAGPASOK ni Sab sa sex pad nila ni Phin, nagulat siya dahil nauna pa pala ito sa kanya. Nakaupo ito sa couch.

SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon