HINDI pa rin kumikilos si Sab sa kinatatayuan kahit safe na. Ayaw niyang tingnan si Anton sa sahig dahil baka maiwan sa utak niya ang imahe ng bangkay nito. She didn't feel sorry for him. He could go to hell! Pero kailangan pa niya ng time para makabawi sa shock na pinagdaraanan.
Humakbang si Phin palapit sa kanya, still looking intense. She'd always known that he was a dangerous man, pero wala siyang ideya na ganito ito kadelikado. He'd just killed three men in front of her in less than one minute. How the fuck did he do that?
"Who the hell are you?" tanong niya.
Hinawakan siya nito sa mukha, tila chine-check ang level ng pagka-shock niya. She was shaking a little, but mostly dahil iyon sa pag-aalala niya para dito kanina, hindi dahil sa mga nakatumbang lalaki sa silid.
"You're doing fine," he said, as if he was proud of her.
Bumukas ang pinto kaya lumingon si Phin. Pumasok sina Cole at Johann.
"Natanggal na namin ang mga nakatanim sa labas, boss. There were only three of them. Easy-peasy," sabi ni Cole.
"Dito naman kayo maglinis. Ayusin n'yo," utos ni Phin. Kinuha nito ang kamay niya para hilahin siya palabas, pero binawi niya iyon at binuksan ang mga butones ng top niya na natilamsikan ng dugo.
"The fuck are you doing? Huwag kang maghubad dito!" sigaw ni Phin. Just like that, balik na ito sa nakasanayan niya.
"I feel so filthy!" Hinubad niya ang blouse at ibinato sa sahig. Wala siyang balak na mag-uwi ng remembrance ng maruming dugo ni Anton.
"Magsitalikod kayo kung ayaw n'yong dukutin ko ang mga mata n'yo!" bulyaw ni Phin sa mga tauhan at mabilis na sumunod ang mga iyon. Kinuha nito ang suit jacket nito sa sahig at ibinalot sa kanya. He retrieved her bag before he led her to the door and out of the building.
Hinanap nito sa bag niya ang susi ng Lambo niya para makapasok sila sa loob. Ihahatid siya nito? Hindi na nagprotesta si Sab. Hindi rin naman siya makakapag-drive sa kasalukuyang estado niya.
Pinatakbo ni Phin ang sasakyan. Nakasuot na nang maayos ang shirt nito pero punit-punit kaya nakasilip ang black dragoon tattoo sa dibdib nito. Natakot ang mga kasama ni Anton nang makita iyon. That tattoo must be a symbol of something. Power. Rank.
"Are you a member of the mob, devil?"
"Member?" nainsultong tanong nito. "I'm the motherfucking king of my organization!"
"Still a mobster!"
Tumiim ang bagang nito, pero hindi na nagsalita.
Napahinga nang sunod-sunod at malalim si Sab dahil sa pag-sink in sa kanya ng mga pangyayari. She'd slept with a mob boss for weeks and she had no idea. Running casinos or an infamous sex club, that's not even his bread and butter, LMFAO!
"Paano ka nakarating agad doon?"
"Kapag may krimeng niluluto ang isang gang, like kidnapping, naaamoy iyon ng ibang underground member dahil sa preparations na ginagawa nila. May nakatunog sa grupo ni Anton. Nag-espiya siya. Nang dumating ka roon, namukhaan ka niya kaya kinontak agad niya kami. Malapit na ako sa building na kinaroroonan mo nang tumawag si Anton para papuntahin ako."
Malapit? "'Di ba nasa Mandaluyong ka?"
"No, nasa Quezon City rin ako."
Hindi na niya itinanong kung bakit. Siguro dapat na lang siyang magpasalamat na kumilos agad ito nang marinig na posibleng nasa panganib siya.
"Sina Rigor, Cole at Johann, mobster rin sila?"
"Of course, they're my men."
"Alam ni Phoebe?"
BINABASA MO ANG
SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️
RomanceR-18 Completed Ang balak lang naman ng ex-journalist na si Sabrina Alejandrino ay i-feature sa kanyang blog ang Club Extas. Acccording to rumors, sex den iyon ng mga rich. Hindi niya akalaing makikita niya roon si Phineas Polivega, the infamous and...
