KINABUKASAN, sinubukan ni Sab na magpakalunod sa trabaho gaya ng madalas niyang gawin kapag mayroong nais kalimutan, pero sa pagkakataong iyon ay hindi iyon gumana. Was it because hindi lang isip niya ang involved doon, bagkus ay higit ang puso niya, at imposibleng ignorahin kapag kumikirot ang puso?
Ugh. Stop, Sabrina Alejandrino. It's not like the devil is your forever freaking love. Why would you fall irrevocably in love with that special kind of bastard? Mababaw lang ito. Sobrang babaw! Makakalimutan mo rin siya, sabi niya sa sarili.
Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit masyado siyang apektado sa mga nangyari nang nagdaang araw. It was not like nakipaghiwalay siya sa boyfriend niya or anything. As a matter of fact, nang naghiwalay sila ng past two boyfriends niya, she couldn't remember being a mess like this. In fact, may certain peace siyang naramdaman, knowing that it was for the best, ang paghihiwalay nila, dahil mayroong mas makapagpapasaya sa taong pinakawalan niya.
And yet, this time, kay Phin, kahit hindi naman sila nag-break traditionally ay sobrang gigil na gigil pa rin siya. Gusto uli niyang sampalin hindi lang isa kundi isang milyong beses ang demonyong iyon. And she wanted to cry again kahit hindi naman siya crybaby at mabibilang ang pagkakataong umiyak siya sa tanang buhay niya.
Nanggigigil ba siya dahil hindi niya matanggap ang sort of "break up" nila? Hindi ba siya handang kalimutan si Phin gaya ng mga ex niya? Or she was willing to, but she was aware that it was not going to be easy? After all, iba ito sa lahat ng lalaking nakilala niya.
He might be a bastard, pero ang character na iyon mismo nito ang nakapukaw ng kanyang atensiyon. She liked it that he was not like the others, so dark and yet colorful. He was a handful, malaking sakit ng ulo, and he would never ever bore her a single day of her life.
Iyon ba ang lalaking hinahanap niya mula pa noon, at natagpuan niya iyon kay Phin?
"Your standards in men suck, Sab," iiling-iling na sabi niya sa sarili. The worst guy she'd ever met, was actually the man she'd been dreaming of and waiting for all her life. Great.
Tumayo siya buhat sa desk niya. Minabuti niyang magtimpla ng tsa sa kitchen. Kailangan niya ng pampakalma pagkatapos ng natuklasan.
Tapos na sila ni Phin, so ano na ba ang gagawin niya ngayon? Maghanap ng katulad nito para makapag-move on? Where? Sa bilibid? Sa zoo? Sa impiyerno?
"Sab!"
Naibaba niya ang mug nang mabosesan ang tumatawag sa labas. Phoebe.
Pumunta siya sa front door upang buksan iyon. Yumakap sa kanya si Phoebe.
"Sab."
Hinawakan niya ang ulo nito. Teenager na ito at mas matangkad pa sa kanya pero parang isang bata lang ang tingin niya rito. Siguro dahil ramdam niya ang pagkauhaw nito sa atensiyon ng mga magulang. "What are you doing here?"
"Nag-away daw kayo ni Dad sabi ni Rigor. Is it true?"
Nang tumingin siya sa kabilang panig ng kalsada, nakita nga niya si Rigor na naka-cross arms sa tabi ng mint green Lambo nito, pinapanood sila just like a normal bodyguard.
"I know my dad can be harsh sometimes, pero huwag mo siyang iwan, please? He doesn't mean most of the things he says. Ganoon lang talaga siya."
Kumalas siya rito. "Pumasok ka muna sa loob. I'll talk to Rigor."
"Sige," tugon ni Phoebe. Dumiretso ito sa sala.
Sinenyasan niya si Rigor na lumapit. Tumawid ito para puntahan siya.
"Hindi ako ipinadala ng boss."
Agad siyang nainis sa pagbanggit nito kay Phin. Hindi siya umaasa. Tse!
BINABASA MO ANG
SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️
RomanceR-18 Completed Ang balak lang naman ng ex-journalist na si Sabrina Alejandrino ay i-feature sa kanyang blog ang Club Extas. Acccording to rumors, sex den iyon ng mga rich. Hindi niya akalaing makikita niya roon si Phineas Polivega, the infamous and...
