Twenty-Three

152K 3.4K 218
                                    

NAKANGITING nag-finger wave si Sab sa mukhang corporate manager na bumati sa kanya habang naglalakad siya sa casino ni Phin. Madalas na siyang bumibisita doon, not particularly to play, kundi para tingnan lang ang takbo niyon. Tuloy, kilala na siya ng ilan sa mga regular client doon.

Nakakalibang rin naman kasing pumunta ng casino, nakakaalis ng pagod pagkatapos ng regular job niya. During her nine-to-five, siya si Sabrina Alejandrino. After that, it was time to turn into a vixen, into Phin's woman. It was like she was living a double life, and she loved it.

Matapos maglibot, umakyat siya ng grand staircase na patungo sa VIP floor para puntahan si Phin sa opisina nito. Habang naglalakad ay may natanaw siyang pamilyar na pamilyar sa kanya.

Hello. The bitch's back.

"Hey, Lily!" malakas na tawag niya rito.

Lumingon ito at bahagyang lumaki ang mga mata nang makita siya. Parang iiwas sana ito dahil obvious na hindi siya ang sadya, pero nanaig siguro ang pride kaya taas-noong hinintay siya.

"Wala ka bang kahihiyan? Or should I say, hindi ka ba marunong magtrabaho at nandito ka na naman para huthutan si Phin?" Sinabihan niya si Phin na tigilan na ang pagsustento kay Lily kundi ay mag-aaway sila. Ayun, pinutol nito ang credit cards ni Lily. Sigurado siya na iyon ang dahilan ng pagpunta roon ni Lily, para mag-whine na naman kay Phin.

"Ano ba'ng pakialam mo? Ex-wife ako ni Phin. May karapatan ako sa finances niya."

"May pakialam ako dahil ex ka lang, ako ang current. And sorry bitch, but I'm more greedy than you. Lahat ng business at properties ni Phin, akin. Lahat ng pera niya, akin. Kaya maghanap ka na ng ibang mapeperahan mo, puwede ba?"

"Ako pa rin ang mommy ni Phoebe! Hindi mo na iyon mabubura kahit kailan!" galit na sigaw nito, pero may nakita siyang panic at takot sa mga mata nito. Alam na rin ba nito ang pagkatalo, pero kumakapit na lang sa patalim kaya nagbakasakali pa rin na makausap si Phin?

"Ikaw ba ang nagpapalaki sa anak mo? Hindi, 'di ba?"

"So what? May anak pa rin kami. Ikaw, ano ba ang ibinigay mo kay Phin na maipagmamalaki mo?"

"Night after night of mindblowing sex?"

Nalukot ang ilong nito. "Disgusting."

"Are you kidding? Girl, wala nang mas sasarap pa sa multiple orgasms. I liiive for it," eksaheradong sabi niya dahil ang sarap nitong inisin lalo. "And Phin's cum, do you know how good it tastes like? I make him come like a fountain every night and I swallow every single drop."

"Oh shut up! I don't want to hear that!"

"Sheesh. How old are you? Hanggang ngayon hindi mo pa rin kayang i-enjoy ang sarili mo sa sex? No wonder ang miserable ni Phin nang hindi pa kayo annulled."

"And no wonder nagkakasundo kayo. You both act like animals."

Imbes na mainsulto ay tumango-tango siya. "Uh-huh. Freaks in bed. That's us." Hindi niya alam kung bakit naaawa siya kay Lily at lalo pa ngayon. Halatang hindi ito masaya kahit nababalutan ng designer's items mula ulo hanggang paa.

"Ganito na lang. Makikipag-deal ako sa iyo. I have a dozen Hermes bags in my closet." That I hate. "Ibibigay ko iyon lahat sa iyo in one condition. Huwag ka nang magde-demand ng kahit ano kay Phin. Tigilan mo na ang pag-iilusyon na responsibilidad ka niya. Last na ang mga bag na mapapala mo sa amin."

Lily blinked, tila hindi inaasahan ang alok niya. Well, nakakairita ito pero gaya ng sinabi nito, mommy ito ni Phoebe. Imposibleng ma-rid niya ito sa buhay nila kahit kailan. Mas mabuti nang makipag-deal siya rito.

SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon