KATATAPOS lang i-post ni Sab sa blog niya ang isinulat nang may maalala siya. "Lily. Lily... Is she Phoebe's mother?"
Nag-type siya sa keyboard ng laptop: Phoebe Polivega's mother and Phineas Polivega's ex-wife.
Wow. Para siyang naghahanap ng karayom sa mga dayami. Wala siyang makita sa search results. Paano iyon nangyari samantalang prominente ang Polivegas?
Naisipan niyang hanapin ang social media accounts ni Phoebe. Luckily, active ito doon. There! Bingo. May nakita siyang certain Lily Schulze na nag-comment sa isang naka-post na picture ni Phoebe sa mall.
So pretty, baby. Proud mom.
"Duh. So many emojis. How old is she? Thirteen?"
Itinuro niya ang profile pic ni Lily Schulze at pumikit bago cinlick ang mouse. Jeez, why was she so nervous to see Phin's ex-wife? Social media account lang naman iyon. And it was not like she was Phin's girlfriend or anything para makaramdam ng anything personal kay Lily.
She opened her eyes. Parang tumigil naman ang puso niya nang makita ang itsura ni Lily. Maganda ito. Maputi. Parang half-European. Heart-shaped ang maliit na mukha nito, gray ang mga mata, upturned ang ilong at pillowy ang lips. Parang hindi nga lang natural ang tambok ng mga labi, parang may fillers. Sa mga larawan din nito na nakangiti ito, hindi masyadong gumagalaw ang mukha nito. Botox? Hindi pa naman siya mukhang ganoon katanda para magpa-Botox.
But then again, alam niya na normal lang sa esposa ng ilang taga-high society ang pagpunta sa mga cosmetic surgeon. In fact, para sa mga ito ay part ng duty ng mga ito ang magpaganda para sa mga multi-millionaire or billionaire husband.
Lily, in her photos, seemed like the stereotyped trophy wife living the affluent life. Pulos designer's ang mga gamit nito—bags, shoes, jewelries—at panay rin ang bakasyon sa magagandang lugar. Kadalasan ay sa islands kung saan naka-pose ito wearing an elegant one-piece on board a yacht.
"She's short," puna niya.
Trimmed pa rin naman ang katawan ni Lily, pero maliit nga lang talaga. About five-one, tops. Phin was, what, six-three? Hindi niya ma-imagine ang dalawa as a couple noon. Hindi lang dahil sa height ng mga ito. In terms of personality, Phin seemed too much for Lily. For most women, really. Lily didn't look like she had much substance para ma-handle si Phin.
Although Phin was a filthy rich devil, para sa kanya ay hindi ito nagpo-fall sa category ng rich men na makukuntento na sa magandang mukha. In fact, to her he was the type na kailangan ng babaeng makakasabay dito at makakatagal sa ugali nito. Napaka-insensitive nito at mahilig mag-provoke. He needed someone na kasing-strong ng personality nito at hindi manipis ang balat.
Maybe kaya sila nagkahiwalay?
Tiningnan niya isa-isa ang photos ni Lily para malaman kung kasal na uli ito, pero kahit boyfriend man lang ay wala siyang makita sa account nito. So she's still single? Pero sino ang kasama niya sa mga bakasyon niya? Or, the more important question is, who's funding her expensive lifestyle? Parang wala namang clue dito na nagwo-work siya.
Nang mapasulyap siya sa table clock, napagtanto niya na ilang oras na ang sinasayang niya sa pag-iimbestiga sa dating asawa ni Phin. Minabuti niyang tigilan na iyon at pinatay ang laptop. Nag-shower siya bilang paghahanda sa pagtulog. Hindi nga lang niya binasa ang buhok.
Naglalagay siya ng oil sa buong katawan nang tumawag si Mich.
"Sab, free si Lloyd ngayon at tinext ako na tawagan ka. Maniningil na raw siya ng utang mo sa kanya na drink."
Tsk. Ba't ang daming lalaking naniningil ng "utang" sa akin lately?
"Can you meet us sa dance club tonight?"
BINABASA MO ANG
SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️
RomanceR-18 Completed Ang balak lang naman ng ex-journalist na si Sabrina Alejandrino ay i-feature sa kanyang blog ang Club Extas. Acccording to rumors, sex den iyon ng mga rich. Hindi niya akalaing makikita niya roon si Phineas Polivega, the infamous and...
