Kabanata 9
Sleepy
We didn't have the last day I looked forward to. Maaga kasing nagtake ng exam si Soren dahil may maagang bakasyon siya kasama ang pamilya kaya nawala na sa isipan niya ang training.
Naturally, that supposed last day was cancelled. Alam na iyon ni Alonzo at alam ko na rin iyon kaya ang huling training, iyon na ang naging huling araw din sa pagtuturo niya kay Soren.
That week, I kept on thinking what would happen if Soren didn't tell us about his vacation. Na paano kung pumunta kaming pareho ni Alonzo sa gym, only to find out that Soren isn't around and the training is postponed.
I sighed. Hindi naman siguro mangyayari iyon pero hindi iyon naging hadlang para isipin ko.
Why am I dwelling on this, anyway?
"Ang ganda nitong kapatid mo, Peppa!" sabi ng designer ni Ate.
Lumuwas sa Cebu ang taga Maynilang designer para sa final fittings ng gown. Lumuwas din kami ng Cebu ng pamilya ko para roon. Pinadala lang ang sukat ko, nagpadala lang siya ng tauhan patungong Negros pero ngayong final fitting na, nariyan na siya.
"Simple, elegant, and timeless beauty!" she smiled at me.
I remember being compared to Ate Peppa growing up. She's our eldest so I think it was natural of her to be wild, untameable, and headstrong. Kung ikukumpara nga naman sa kanya, napaka plain at boring ko. Iyon ang sabi. Tahimik at masunurin sa mga magulang, ibang-iba kay Ate.
"Yes, that's why I'm so protective!" si Ate Peppa sa designer.
"Bagay sa kanya ang kapatid ni Ramon. Kasing edad mo ba 'yon, hija?"
Ngumiti ako sa designer. "Isang taon po ang tanda ni Romnick sa akin."
"Ayos na rin! Kaya ang ganda tingnan sa pictures."
Ilang beses na naming na meet ang pamilya ni Kuya Ramon kaya kilala ko na rin si Romnick, ang kanyang nakababatang kapatid. He's studying in Cebu. Minsan, nakikita ko si Soren sa kanya, except that Romnick is quite a playboy. We're just good friends and Kuya Ramon warned him not to do funny things on me. Sure, it shouldn't stop a playboy but I think Kuya Manolo's glare every time stops him from doing funny business.
Usap-usapan na sa buong Altagracia ang tungkol sa kasal ni Ate Peppa. Imbitado ang mga malalapit na pamilya sa amin pero pili lang din. Soren's family, although one of the richest, wasn't invited. Ang mga del Real ay imbitado at sina Anais din. Both Camila and Steffi will be there too, with their family. S'yempre, kasali si Margaux.
Hindi ko maimbitahan si Ella pero sigurado naman na naroon sila sa salo-salo pagkauwi namin.
Pagkatapos ng exams, dumiretso na kami sa Cebu ng pamilya ko at doon na nagpalipas ng mga araw bago ang kasal.
On the wedding day, Margaux met Romnick and immediately took off a shady relationship. Umiling na lang ako sa kaibigang mabilis magkagusto. Kahit anong sabi ko na babaero si Romnick, wala nang pakealam si Margaux dahil guwapo at mabait sa kanya.
I smiled at Soren's chats and his picture updates for their trip to the US.
Ako:
Ang ganda riyan! Enjoy ka!
Soren:
Kumusta ang kasal ng ate mo? Nakita ko sa pictures ni Margaux, sino 'yong lalaki?
Ako:
Si Romnick, kapatid ni Kuya Ramon.
Soren:
Nililigawan ka?
BINABASA MO ANG
Getting To You (Azucarera Series #2)
RomanceCrisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and proper. Walang mag-aakalang may magagawa siyang isang bagay na ikakahiya ng kanyang pamilya. When it ha...