Kabanata 1
Summer
Alam kong malabong payagan ako ni Kuya Manolo sa gusto kong mangyari. Pareho nilang ayaw ni Ate na nakikipagkaibigan ako kay Ella. Paano pa kaya kung malaman nilang kahit paano, gusto ko siyang tulungan?
Iyon ang dahilan kung bakit sinadya ko ang azucarera para rito. Ayaw kong sa bahay ko kakausapin ang mga kapatid. Alam ko na ang dugtong noon at nasisiguro kong pareho nilang ayaw.
If you have siblings older than you, it's only normal that they could never understand your issues. They both think I am too young to think or decide about anything kaya lagi na lang nila akong napapagalitang dalawa.
Parehong tapos nang mag college si Kuya Manolo at Ate Peppa. Ate Peppa is our eldest and she is already readying to get married. Meanwhile, Kuya Manolo was newly promoted as our Manager for the milling. Kaya siya ang sadya ko rito sa azucarera.
Kahit malapit lang ang mansiyon namin dito sa building, sumakay pa rin ako sa aming sasakyan dahil medyo mainit ngayong summer na ito. Bali-balita'y El Nino raw.
Lumabas ako sa sasakyan. Mabilis na umikot si Ate Soling at pinayungan ako habang marahang naglalakad patungo sa mga building.
Abala ngayon. Ilang truck ang nakikita kong nagdidiskarga ng tubo sa makina kaya bukod sa mainit, maalikabok pa. I looked at my pink spaghetti strapped dress and sandals. Certainly not a very good look to visit here but I didn't think I would stay for long.
"Sino po ang sadya?" agad na may lumapit sa aming trabahante.
"Si Manolo," sagot ni Ate Soling.
"Naku, si Sir nasa makina. Wala sa opisina. Ang mabuti pa..."
Marami pang paliwanag at sinabi ang trabahante samantalang ako lumingon na sa mga makinarya. Sa lahat ng lugar na pinuntahan ni Kuya sa araw na iyon, doon pa talaga sa maalikabok! But then at least he'd realize how serious I am if he saw me here?
My eyes locked at a familiar face near the trucks. Maraming trabahador doon pero agad kong nahanap ang medyo madungis na nakatitig sa amin. Isang nipis na puti ngunit maalikabok na t-shirt, faded jeans, at lumang bota, sa ayos at tangkad pa lang, alam ko na kung sino ang nakatitig sa akin.
I sighed and remember the many times I notice how he looks away everytime I notice him. Hindi na ulit siya naging substitute teacher dahil hindi na nagkasakit ulit si Mr. Bersabe pero madalas ko naman siyang makita. Nasa iisang campus lang kami at dahil dati siyang Team Captain ng basketball noon, siya naman ang tumutulong na mag coach ngayon sa SHS na team nina Leandro Castanier at Levi del Real.
"Ano Sancha? Sa makinarya raw. Baka pagalitan ka ni Manolo kapag pumasok ka roon?" tanong ni Ate Soling pagkatapos nilang mag-usap ng trabahante.
Ngumuso ako at nag-isip kung ano ang dapat gawin. I can't stop now and wait for Kuya Manolo on our mansion. Like usual, he won't agree to me.
"Si Sir Manolo ba?"
Halos napatalon ako sabay tingin sa gilid. My lips are now in a grim line as I realized Alonzo is nearing us. Kanina'y nasa makinarya siya at mukhang hinihintay ang mga truck na matapos. Nakatingin lang siya at inakala kong hanggang doon lang! Now, he's here!
He kept a good distance and pulled the neck of his shirt as if trying to wipe away the sweat near his jaw. Tumikhim ako. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang parang ako ang naco-conscious. If it's true that he likes me, then it's his problem, not mine! Bakit ako ang kakabahan para sa kanya?
"Oo. Nasa makinarya raw si Kuya?"
Tumango siya. "Nasa loob. Kinakausap pa ang mga tauhan. May problema kasi yata at pinapatingnan pa."
BINABASA MO ANG
Getting To You (Azucarera Series #2)
RomanceCrisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and proper. Walang mag-aakalang may magagawa siyang isang bagay na ikakahiya ng kanyang pamilya. When it ha...