Kabanata 17

555K 27.4K 15.7K
                                    

Kabanata 17

Boyfriend


Hindi ko alam kung bakit unti-unti akong nakaramdam ng iritasyon. I like Soren as a friend and maybe he is or was my crush but I don't agree with this kind of gesture. Siguro nga uso dahil may iilan na dati pa may pa surprise na ganito pero lagi kong naiisip na mahirap iyon. You put on the pressure for the other party. Of course not anyone is brave enough to say no to this in public. Lalo na dahil kakaayos lang namin ni Soren sa aming friendship at baka masira ko pa iyon kapag ginawa ko ito.

I smile and received the flowers but my smile faded as my classmates cheered. Ngiting-ngiti si Julius habang lumalapit si Soren sa akin pero ako namomroblema na kung paano gagawin ito.

"Oo! Oo! Oo!" everyone cheered.

"Will you be my girlfriend, Sancha?"

Sa pagkakaayos namin ni Soren, ni hindi namin kailanman napag usapan ang tungkol dito. It's just our normal conversations all the time. Hindi rin namin napag-usapan si Chantal o ang mga nararamdaman namin para sa isa't-isa... bukod sa pagkakaibigan. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit may ganito ngayon.

"I'm shocked, Soren..." sabi ko sabay hilaw na ngiti.

Nakangiti rin si Soren sa akin. Naghiyawan ulit ang lahat.

"Oo na 'yan, Sancha!" someone from the back said.

Kinagat ko ang labi ko at agad na guilty na ngumuso. "Uh, gusto ko sanang pribado na lang nating pag-usapan 'to. Nahihiya ako na maraming nakakaalam sa mga bagay na ganito..."

Hindi ko alam kung paano pa siya sasagutin sa paraang hindi siya mapapahiya.

"Privacy daw! Privacy!" si Julius na pabirong tinaboy ang mga kaklase ko.

"Hala, basted yata 'yan!" sabay tawa ng iba.

Namilog ang mga mata ko sabay tingin sa mga kaklase ko.

"Gago, sinong babasted kay Osorio! Ang guwapo kaya ni Soren!"

Napatingin ako kay Soren. Mukhang hindi niya rin nagustuhan ang naririnig na usap-usapan. Kung sabagay, sino ba ang magugustuhan iyon. He looked at me seriously, his smile already faded.

"Uh, Soren... mag-usap na lang tayo mamaya. May pasok na ako."

Tumango siya. "Susunduin kita rito mamayang hapon."

"Thank you," sabay tingin ko sa bulaklak na bigay niya.

Pumasok ako sa classroom namin. Marami ang bumati at nakiusyoso kung sinagot ko na ba raw si Soren pero si Margaux, nanatiling nakaupo, ni hindi ako tinitingnan.

"Margaux," I called and she rolled her eyes.

Tumigil ako dahil mukhang naiirita siya. Huminga ako ng malalim at pansamantalang kinalma ang sarili. For now, I'll let Margaux do this. Gusto kong kausapin siya ng maayos tungkol dito pero hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon. Isa pa itong si Soren. I'm happy we're friends again but something has changed and this is not the path I want for us anymore.

Natapos ang araw na wala akong iniisip kundi ang ginawa ni Soren kanina at si Margaux.

"Margaux, mag-usap naman tayo," sabi ko.

She turned to me. Akala ko kakausapin niya na ako pero ipinakita niya lang ng mabuti ang pag-irap bago tuluyang umalis sa classroom.

Nakita ko si Soren sa pintuan at nakita ko rin kung paano siya sadyang binangga ni Margaux bago nagpatuloy sa paglalakad.

Getting To You (Azucarera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon