Kabanata 34
Check Up
Naniniwala akong maayos ang pagkakasabi ko sa media. May punto rin ang nagtatanong kaya hindi na rin naging mahirap ang pagpapaliwanag ko.
Una, hindi pa nasisiguro kung ano nga ang dahilan sa nangyari. Hindi puwedeng dahil huling kinain ang desserts ko, iyon na ang dahilan.
Pangalawa, kung iti-test ang desserts ko, iti-test din dapat ang lahat ng kinain ng bisita sa party na iyon. Iyon nga lang, si Ella na siyang nag cater noon ay nasa ospital dahil kasali sa mga sumakit ang tiyan.
Pangatlo, willing ako na i-test lahat ng mga gawa ko at naiserve sa party na iyon. In fact, I already set aside some samples each sweets if anyone would want to test it. However, I will give it only a day since I don't want it tested beyond its best before.
Pang-apat, willing din ako na tingnan ang sanitation ng aking buong cafe at mas mainam din na mamaya o bukas agad nang sa ganoon malaman na ang totong problema.
"The pastries usually don't get stale easily! Lalo na dahil freshly baked iyon. You guys should check the caterer first! Iyon naman ang mas mabilis mapanis." si Camila nang kinausap ng awtoridad.
"Pero Ma'am, kasi sabi sa tapioca at revel bars daw."
"Kumain kami ng parehong uri noon at hindi pa naman sumasakit ang tiyan ko ngayon," si Camila. "And whatever you say, I don't think pastries like revel bars would stale quickly! At kung tapioca, kumain din kami at maayos pa naman kami ngayon."
"Like I said, puwede namang itest na rin. Besides, if it's from my food, then I guess I will need to know so I can learn from it," sabi ko.
"Sancha, bago ka, dapat ang caterer muna nga ang tingnan! Hindi puwedeng dahil lang haka haka na galing sa dessert ang dahilan, iyon na agad! We can sue anyone who said that it is from the cafe."
"Bakit hindi ko ipatest na lang agad itong mga pagkain na gawa ng kapatid ko ngayon? Hindi na ako maghihintay ng request sa awtoridad! At sa oras na masigurado namin na malinis ang mga iyon, kakasuhan at ipapakulong ko kayo?!" si Kuya Manolo.
"Kuya..."
"Sir, wala pa naman pong sinasabi na talagang galing sa sweets ni Miss Alcazar. Naroon na rin naman ang ibang media at awtoridad sa caterer para icheck na rin pero 'yon nga lang nasa ospital pa kasi ang may-ari."
"I will supervise the testing of my sister's pastries. Kapag nalaman ko na walang may sira roon at kapag kumalat sa buong Altagracia ang paratang ng sino man 'yan, pati kayo, ipapakulong ko!" iritado nang sinabi ni Kuya.
"Kuya, tama na. We haven't proved anything yet. It's better to stay calm and humble while-"
"No, Sancha! I get that you're thinking you might be at fault but what if you aren't? At nasira na ng mga ito ang pangalan mo?! Hindi puwedeng ganoon! Bukod pa sa tama si Camila na hindi nga mabilis mapanis ang mga sweets! I don't get why people would think that it's from your pastries!"
Kinausap ni Kuya Manolo ang iilang pulis na nasa labas at ang media naman ay lumabas na rin, naghihintay ng resulta sa imbestigasyon sa caterer at sa mga isinugod sa ospital.
"Tama ang kapatid mo, Sancha. Siguro mas mabuti nga na ipa test na natin at huwag na sigurong hintayin ang awtoridad na mag request," si Ate Soling.
"These kind of things, usually they can't pinpoint which food is the reason unless we test the food. Kasi maraming pagkain. Unless if it's involving only one kind of food, then mas madali ituro kung alin talaga ang panis na."
BINABASA MO ANG
Getting To You (Azucarera Series #2)
RomanceCrisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and proper. Walang mag-aakalang may magagawa siyang isang bagay na ikakahiya ng kanyang pamilya. When it ha...