Kabanata 21
Nervous
Isinapuso ko ang itinuro ni Steffi sa akin.
Sa totoo lang, naduduwag pa rin ako. Kahit kailan hindi ko naisipan na magtapat sa nararamdaman ko pero hindi matanggal sa isipan ko ang punto ni Steffi.
"Aalis na siya. Babalik man pero maniniwala ka ba na lagi 'yon? Mahal ang ticket ng eroplano pabalik dito sa Pinas. Malaki man ang sahod nila, mataas din ang cost of living sa ibang bansa. First month and it's impossible he'd come home. He's still adjusting and for sure it will cost his parents money just to send him there."
Isa iyong bagay na hindi ko masyadong naiisip. Siguro dahil hindi naman kami kailanman namroblema sa pera. Hindi ko inasahan na mahirap pala ang ganoon.
"It's now or never! At kailan pa ang pinaka perpektong araw para riyan kundi ang araw ng mga puso? Nalalapit na!"
"Heart's day?!" halos bayolente kong reaksiyon dahil malapit na ito.
Mas lalo lang akong kinabahan pero hindi ko maipagkakaila ang mga punto niya. Paano nga kung abutin pa siya ng isang taon bago siya makauwi ulit dito? O paano kung may makilala siyang ibang babae roon? Foreigners are pretty. He's tall and a bit handsome, it is not a farfetch idea.
Iniwan ako ni Steffi na maraming tanong sa utak.
"Gawin mo na, Sancha. Ganyan talaga dapat kapag nagkakagusto ka sa mas matanda sa'yo. You don't understand everything about it yet but when you'll reach our age, you'll realize this is the mature way of having a relationship."
This is just too fast. I can't believe I am even considering on doing it. Hindi ko lang talaga maipagkakaila na may punto si Steffi kahit paano.
"Sancha," I heard a familiar voice from behind me.
Sa dami ng iniisip ko, napatalon ako sa gulat at nilingon si Ella. Kumunot ang noo niya at tumingin sa paligid bago naupo sa tabi ko. Hinawakan ko ang aking dibdib.
"Ikaw lang p-pala."
"Bakit? May inaasahan ka bang iba?"
Umiling ako at tipid na ngumiti kay Ella nang nakabawi na sa gulat. Kunot pa rin ang noo niya sabay sulyap sa kung saan nawala si Steffi kanina.
"Kasama mo si Steffi kanina?"
"Ah. Oo. Nagkuwentuhan lang."
"Hinanap kita kasi sa wakas nakausap ko na ng matino si Margaux at Soren."
Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya.
"Nagtanong lang ako kung isasama ka ba sa party sa bahay nina Soren. Nagbakasakali lang ako pero, sa totoo lang, inasahan ko nang hindi sila papayag..."
Tumango ako. I'm eager to know more about it. Kahit pa alam ko namang hindi rin naman siguro ako papayagan ni Kuya at Ate. Lalo na kina Soren. Lalo na dahil party. Still, I want to know more about it.
"Pero pumayag naman sila na pumunta ka. Marami silang inimbitahan. Kasama sina Leandro, George, Levi, at iba pa. Halo ang crowd, kaya nariyan din ako, hindi eksklusibo. Kaya... sana makapunta ka. Baka makipag-usap na sila."
Ngumiti ako. "Hindi ako sigurado, e. Magpapaalam ako pero alam mo naman ang Kuya Manolo."
She sighed sadly. "Naisip ko rin 'yan pero sinabi ko pa rin sa'yo. Baka lang... makapunta ka."
"Anong party ba 'yan? At kailan?"
"Uh, ang alam ko aalis kasi parents niya ng isang linggo. Sa February fourteen. Sabado kasi kaya raw naisipan niyang may party."
BINABASA MO ANG
Getting To You (Azucarera Series #2)
RomanceCrisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and proper. Walang mag-aakalang may magagawa siyang isang bagay na ikakahiya ng kanyang pamilya. When it ha...