Kabanata 32

733K 33.6K 33.2K
                                    


Kabanata 32

Pressure


"Sa'yo," habol niya sa sinabi.

My lips were apart as I watched him watch my espression. I can't help it. Kagulat-gulat ang sinabi niya at hanggang ngayon iniisip kong sila o nanliligaw siya kay Ella. Surely Alonzo wouldn't court two girls at once? Besides that... he will court me? Am I dreaming?

"Manliligaw k-ka. Sa'kin?" Halos hiningal ako matanong ko lang 'yon.

"Oo, Sancha."

Wala na akong masabi. Pakiramdam ko natutulala na ako sa gulat. Hindi ako makapaniwala. I feel like I'm inside a dream and anytime now I'll wake up.

"W-W-Wala bang magagalit?" I stammered.

"Wala akong girlfriend, Sancha."

I cleared my throat and laughed a bit to cover whatever I'm feeling. "Ibang... nililigawan?"

He tilted his head a bit. "Hindi puwedeng manligaw ng sabay, Sancha. Isa lang ang gusto kaya isa lang din ang liligawan."

"Oh!"

My face heated. My question gave my innocence away. Ni wala akong alam sa mga ganyan. I just thought that boys could always court as many as they can but of course they should only have one girlfriend. Hindi ko nga lang inisip na ng mabuti ang parteng iyan dahil kailanman hindi na ako tumanggap ng manliligaw.

Nadala na ako kay Soren. Nang pinagbigyan ko siya dahil ayaw niyang tumanggi ako, lumala lang ang problema ko at nasira pa ang pagkakaibigan namin. If anyone will try to come close to me and try to court me, I would always turn them down. Kapag naman sasabihing manghihingi ng pagkakataon, I would always say I'd rather be honest now than make anyone hope for nothing.

"I hope it's okay with you."

Parang tambol ang puso ko habang nakikinig sa sinabi ni Alonzo.

"And I hope I'm not... making you uncomfortable."

Uncomfortable? Umiling ako at yumuko.

"I'm just n-nervous. Not... uncomfortable."

He smiled and nodded.

Hindi niya na dinagdagan ang usapang iyon sa gabing iyon. Hanggang doon lang at ang pagtatalo namin sa pagbabayad niya sa kinain. He paid for both of our food yesterday. Hindi ako nakipagtalo kahapon dahil hindi ko inasahang pupunta ulit siya ngayon at babayaran ulit ang pagkain ko.

"A-Ako na. Ako naman ang may-ari kaya..."

"No, Sancha. This is business so I must pay for our food-"

"But you paid for our food last night. Hindi na dapat babayaran pa ang pagkain ko kasi ako naman ang may-ari nito."

Umiling siya. "I asked you out for dinner so that means I'm prepared to pay for everything we need for this date."

Natigilan ako sa binanggit niya. Napansin niya iyon kaya tumigil din siya at tahimik na nagtawag na ng waitress para makapagbayad para sa amin.

"I'll wait here until your cafe closes," aniya pagkaalis ng waitress pagkatapos kunin ang bayad niya.

"Hindi ka ba dapat nagmamadaling umuwi para makapagpahinga ka?"

"Makakapagpahinga pa rin naman ako mamaya. Today wasn't very toxic. I just did some rounds and consultation. Kaunti lang ang pasyente siguro dahil madalas mas pinipili ng iba na sa La Carlota na magpaospital dahil mas malaki roon."

Getting To You (Azucarera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon