Kabanata 12
Happy
Dumidilim na. They opened the outdoor lights kaya mas naging magaan ang ambience. Mabilis akong natapos sa pagkain. Umiinom na lang ng tubig ngayon habang pinapanood si Kuya na sarap na sarap sa mga nasa harapan niya.
Panay ang balik ni Alonzo sa lamesa namin, nagtatanong kung may kailangan pa. Dinalhan na kami ng tissue, at nagdagdag na rin ng softdrinks para kay Kuya.
"Alonzo, dito ka muna sa amin!" narinig ko ang ilang kaklase niya habang nasa harap namin siya, naglalapag ng bagong pitsel ng tubig.
Tumawa lang siya at tinanguan ang mga kaibigan pero saglit lang siya roon at pumunta sa ibang lamesa para kausapin ang iba. Habang nasa malayo, bumabalik ang tingin sa amin. Kinakabahan tuloy ako kapag lumalapit siya tuwing nagkakatinginan kami.
"May iba ka pa bang gusto?" he asked as he glanced at our table.
Umiling ako at ngumiti. Tumango siya at kinuha ang pinggan ko at pinalitan ng bago. Magsasabi sana ako na hindi na naman ako kakain pero masyado siyang mabilis sa ginagawa.
Even his basketball teammates would call him but he won't stay for long on their table.
"Ah busog na busog ako. Some desserts?" he uttered. "Anong sabi mo, Sancha? Cake?"
"Kuya!" sabay iritadong baling sa biro niya.
He laughed and touched my chin. Agad kong pinahiran ng tissue ang baba ko dahil may amoy pa ng kinakain niyang lechon ang daliri niya.
Napatingin ako sa paligid, kinakabahan na baka narinig iyon ni Alonzo. Wala siya roon. Buti na lang.
"I'm just kidding. Uuwi na tayo bago pa mahiwa ang cake. May lakad pa ako."
Before I could react, I saw Alonzo going out of their house. Mabilis na naglapag si Alonzo ng isang tray ng cassava cake. Tumawa si Kuya at tumango.
"Thanks, Lonzo. Tamang-tama naghahanap ako ng panghimagas. Ikaw rin, Sancha?"
"Kuya..."
Kuya Manolo laughed. "Hindi ka dapat nahihiya kapag pumunta sa mga salo salo, Sancha. By the way, Lonzo, pasensiya na talaga at pagkatapos nito, uuwi na rin kami."
"Ayos lang, Sir."
Kinuhanan ako ni Kuya ng isang piraso ng cassava cake at nilapag sa pinggan ko. Nagkatinginan kami ni Alonzo. Mabilis akong nag-iwas, naaalala ang ginawa kong card. I guess it won't be of use, huh?
Unti-unti kong kinain ang cake. I know it isn't Alonzo's birthday cake but Kuya is right, hindi na namin maabutan ang paghiwa ng cake niya dahil uuwi na kami ngayon.
Sinulyapan ko ang wrist watch ko at nakitang 5:48pm na. Six PM is my forever curfew.
"Tapos ka na?" si Kuya pagkatapos ng ilang sandali kong pagkain. "Sana pala nagbihis muna ako bago pumunta rito para kahit alas siete na tayo umalis."
Napabaling ako kay Kuya. Sana nga.
Tumayo na siya kaya wala na akong nagawa. Tumayo na rin ako. When Alonzo noticed it, mabilis siyang lumapit.
"Alis na kayo, Sir?" sunod sunod ang mga tanong ng ilang panauhin.
Lumapit pa si Levi sa amin at ngumiti sa akin. Pagod akong ngumiti at tiningnan na lang ang likod ni Kuya. I should be grateful that we went here, at least.
"Uh, Sir, may ipapadala sana ako para sa bahay n'yo," hindi ko napansin na naroon na pala si Alonzo.
"Ah, ganoon ba? Naku! Nag-abala ka pa, Lonzo. Sige... Sancha, kunin mo muna."
BINABASA MO ANG
Getting To You (Azucarera Series #2)
RomanceCrisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and proper. Walang mag-aakalang may magagawa siyang isang bagay na ikakahiya ng kanyang pamilya. When it ha...