Kabanata 35
Confession
"Physical exam, Doc?"
Kinabahan ako dahil may pag-aalinlangan sa tono ng nurse na nagtanong. Ang kilala naming matandang doktor ay wala palang duty ng Lunes kaya naman naibigay ako sa iba. Ayos lang naman iyon dahil pareho laang naman iyon at kadalasan lab test ang gagawin.
Nasulyapan ko ang cellphone ko na may mensahe galing kay Alonzo. Kaya lang nagtuloy-tuloy na ang mga gagawin at tests kaya hindi ko na muna tiningnan ang message.
While I was being examined and in between my tests, I can't help but think about what happened this weekend. Alam kong ang food poisoning ang isa sa malaking problema kapag nasa industriya ng pagkain. Iyan ang dahilan kaya mas pinagtutuonan ko iyon ng pansin. Mas tatanggapin ko ang kahit anong reklamo sa lasa ng gawa ko kaysa sa kalinisan nito.
I sighed and realized that Alonzo was a big help. Kalmado niyang tinulungan si Almira sa Nanay niya. Ganoon din ang ginawa niya para sa mga biktima. Hindi ko namalayan na nakangiti pala ako habang iniisip iyon. Napawi nga lang nang naalala si Ella at ang ayos niya nang sumakit ang tiyan. Alonzo cared for her too. I know it's his duty as a doctor but I don't understand why I feel... strange.
Naalala ko rin ang sinabi ni Margaux. Alam ko namang hindi magagawa ni Alonzo iyon, kahit pa naiintindihan ko kung bakit naisip ni Margaux iyon.
"It's all in the past now, Sancha. Marami nang nagbago ngayon," his words resonated on my mind.
I know Alonzo as someone trustworthy. I wonder if the years we're apart, that changed, too. Alin nga ba ang nagbago sa kanya na tinutukoy niya.
My heart hurt as I realized that my mind is suddenly too chaotic. Hindi ko gustong pag-isipan ng masama si Alonzo pero may kaunting boses sa isipan ko na nagsasabing ilang beses na rin naman akong nagtiwala at nabigo sa mga kaibigan. It isn't about Margaux anymore. It's a struggle within myself. What happened in the past, caused me to be mistrustful.
Alonzo:
Good morning, Sancha! Pumunta ako sa cafe mo at wala ka. Ang sabi ni Ate Soling hindi ka raw papasok dahil magpapa annual check up ka. That's good. Did you do your fast? Take this time to rest, too. See you later in the hospital!
Kanina pa iyong umaga at naghihintay na lang ako sa iilang results ngayong hapon. I saw another text from him. Mas bago iyon. Kaninang tanghali lang.
Alonzo:
Nasa La Carlota ka?
"Miss Alcazar, eto na po!"
Tumayo ako at kinuha na ang iilang mga tests. I came out all normal and healthy. I was only told to not play with my allergies too much dahil hindi tumatalab ang mga nakasanayang antihistamine kapag napapadalas ang inom. Iyon ang dahilan kung bakit iba-iba ang mayroon ako sa cafe at sa wakas nakabili na rin ng epipen para sa mga malalang atake o kaso.
Palabas ako ng ospital dala ang mga tests ko. Naglalakad patungo sa sasakyan at malalim pa rin ang iniisip nang nakita ko si Alonzo, nakahilig sa harap ng kanyang sasakyan na nakaparking sa tabi ko.
My lips parted. I couldn't hide my shock. Seryoso at medyo nagkakasalubong ang kilay niya nang tingnan ako. I cleared my throat and I realized I didn't reply to any of his texts for today.
"N-Napadaan ka rito..." I started.
Tumuwid siya sa pagkakatayo at tiningnan ang hawak ko.
"Pumunta ako rito dahil nandito ka."
BINABASA MO ANG
Getting To You (Azucarera Series #2)
RomanceCrisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and proper. Walang mag-aakalang may magagawa siyang isang bagay na ikakahiya ng kanyang pamilya. When it ha...