Kabanata 16
Gift
Ako:
Sure...
Hindi na nagtagal, tumunog na ang cellphone ko. I stared at it for a few moments. I can't believe that this is happening. I don't know how to react or answer it.
"H-Hello," I greeted first.
"Hello, Sancha..."
Marahan at pormal ang kanyang boses. Pinigilan ko ang paghinga kaya naman isang marahang buga ang nagawa ko pagkatapos marinig iyon.
"Gusto ko lang tumawag para mabati ka ng mas maayos. Happy birthday."
"Thank you."
Hindi na ako umiiyak pero may bakas pa ng luha sa aking pisngi. Unti-unti ko iyong pinalis habang nakikinig sa katahimikan sa linya naming dalawa.
"Pasensya na kung biglaan. Hindi ba ako nakakaistorbo? Hindi ba nagpaparty kayo?"
"O-Okay lang naman. Kanina pa naman ang party at nag kukuwentuhan na lang sila sa labas."
"Sa labas? Nasaan ka ba?"
Napabaling ako sa paligid. Kinagat ko ang labi ko.
"Nasa hotel room ko. May... uh... ginawa lang saglit."
"Buti pala tumawag ako ngayon, habang hindi ka na busy sa party mo."
I chuckled a bit because I remember how I intentionally removed myself from my own party just for this call.
"Wala ka bang ginagawa? Trabaho?"
It's a weekday. Nasisiguro kong nagtatrabaho siya.
"Break pa namin ngayon."
I can imagine him on the shed. It's almost three in the afternoon and it's a hot summer day here in Cebu. Ganoon din siguro sa Negros.
"Uh... Nag merienda ka na ba?" Pumikit ako ng mariin, nahihirapan sa mga sasabihin sa kanya.
"Busog pa naman ako. Uminom lang ng tubig, Sancha."
"N-Na miss ko tuloy ang pagtatrabaho sa azucarera tuwing summer. Naalala ko last year."
"Oo nga. Na-miss ko rin 'yon." He cleared his throat. "Ang ibig kong sabihin... ang magtrabaho rito."
Ngiting-ngiti ako at hindi na alam ang sasabihin pero gusto pa ring magpatuloy.
"Sancha?!" Kuya Manolo shouted followed by a violent knock and his hearty laugh.
"Ang Kuya Manolo mo ba 'yon?"
"Uh, oo. Wait lang." Binaba ko ang cellphone at gusto nang umirap. "Kuya?"
"May cake na ibinigay ang hotel para sa birthday mo! Labas ka at hipan mo na! Ano bang ginagawa mo riyan! Lumabas ka nga at makisama ka naman dito!"
"Okay, Kuya. Wait lang po."
Ibinalik ko ang cellphone sa aking tainga.
"Hello..."
"Sancha, ayos lang. Sige na at ibaba mo na para makapagcelebrate ka ng maayos sa birthday mo."
"Uh... Okay. Pasensiya na."
"Don't worry about it."
"Thank you sa pagtawag."
"You're welcome," he answered with a hourse voice. "Enjoy the rest of your day."
"I will. Ingat ka naman sa trabaho."
"Salamat. Ibaba mo na, Sancha."
"Okay. Bye."
BINABASA MO ANG
Getting To You (Azucarera Series #2)
RomanceCrisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and proper. Walang mag-aakalang may magagawa siyang isang bagay na ikakahiya ng kanyang pamilya. When it ha...