Kabanata 11
Card
"Nakikinig ka ba, Sancha?"
Kanina pa nagku-kuwento si Soren sa akin tungkol sa mga karanasan niya sa California. At first, I felt genuinely interested but as his stories go on, I spaced out and I felt so guilty.
"Sorry, ano 'yon?"
Hinarap ko ng mabuti ang cellphone para sa aming videocall.
"Hay! Are you so bored with your summer?" he asked.
"Uh... Not really."
"Ano nga ang ginagawa mo? Nag tatrabaho sa azucarera? Ba't wala kayong travel ngayon?"
"Siguro gusto lang munang magpahinga ni Mommy at Daddy kasi katatapos lang ng kasal ni Ate Peppa. Medyo abala kami earlier this year and last year para roon kaya 'yon."
"Aww. I feel bad for you, though. Your summer is so plain and boring."
"Ayos lang naman. Natututo naman ako sa planta kaya maganda pa rin."
Kaninang umaga ay nagtanong ako kay Kuya Manolo tungkol sa Biyernes na sinasabi ni Alonzo. Tumanggi na ako sa kanya pero inisip ko pa ring puwede. If Kuya Manolo agrees, I might consider it. Kahit saglit lang sa mismong lunch break.
"Makakapunta kaya tayo?" tanong ko kay Kuya Manolo.
"Natanong na rin ako ni Lonzo niyan kaso saktong may inspection niyan, e. Kaya tinanggihan ko muna. Kailangan ka rin doon dahil first time mo 'yon makakaranas ng ganoon kaya may ituturo sana ako sa'yo."
Nalungkot ako roon. Tinanggihan niya na si Alonzo.
"Ah sige, Kuya."
"Tanghalian kasi. Umaga ang dating ng inspector at hanggang tanghali na 'yan. Alam mo na ang gobyerno, umaasa sa pakain kaya mahirap lumiban saglit. Lalo na aabsent ang Mama at Papa ni Alonzo para riyan. Kung wala rin tayo, naku, mas lalong mahirap."
"Okay, Kuya. Naiintindihan ko."
Iyon ang bumagabag sa akin nang naglakbay ang utak habang nag-uusap kami ni Soren.
"Excited na ako sa pasukan! Ta-try out agad ako! Nasisiguro kong makukuha na ako ngayon!"
Ngumiti ako. "Ako rin! Kaya mo 'yan!"
"Thanks, Sancha! Kung hindi dahil sa'yo, hindi ako makakapagtraining."
"Si Alonzo dapat ang pasalamatan mo."
Tumawa siya. "'Tsaka na kapag natanggap niya na ako sa varsity. S'yempre, dapat tanggapin niya ako kasi anong sasabihin ng iba kapag hindi? T-in-rain niya ako tapos walang improvement?"
"Soren... hindi ka dapat ganyan mag-isip."
"I'm just being real, Sancha. Anyway, I'm confident he'll get me. I improved a lot, right?"
Hindi ako agad nakasagot. Oo nga at nag improve siya pero hindi ko matanggap ang huling sinabi niya. Naaalala ko rin si Alonzo sa huli naming training. He did not even ask for our help, even when it should be part of the training. Kahit pa binabayaran siya, I don't think it is enough reason for him to not let us help him. It's just a simple thing.
"Yes, Soren. You improved but I don't think Alonzo will get you just because he trained you. Isa pa, hindi ka dapat nagmamayabang dahil paano kung may mga transferee na magaling din. Mas magaling pa sa'yo-"
"Oh come on, Sancha! You should be my number one fan. Ba't parang dinidescourage mo ako?"
"Hindi naman sa ganoon, Soren. It's just important to give proper credit where it's due, and to respect your coach..."
BINABASA MO ANG
Getting To You (Azucarera Series #2)
RomanceCrisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and proper. Walang mag-aakalang may magagawa siyang isang bagay na ikakahiya ng kanyang pamilya. When it ha...