Kabanata 38

723K 30.4K 22.5K
                                    

Kabanata 38

Perfect


Masaya ang Tita Evelyn sa pagpunta namin at mga dala ko. Nawala ang pag-aalalang nakadagan sa akin nang nakitang masigla naman siya.

"Nasabi nga ni Almira na nag-alala ka. Kaya nag-alala rin ako at ayaw kong inaako mo ang kasalanang hindi naman sa'yo."

"I just care also for the people who experienced it, po. Kasi sa industriya na pinasok ko, alam kong iyon po talaga ang problema. Iyon po ang pinakainiiwasan ko kaya naman natakot talaga ako noong inakalang sa sweets ko galing ang problema," I said honestly.

"Gustong-gusto ko ang mga gawa mo. Gusto ko rin naman iyong kay Ella at siguro hindi nga maiiwasan na minsan magkakaganoon. Sana lang huwag nang maulit pa at delikado kung malala ang nangyari."

It's a good dinner for us. Magaan ang loob ko sa pamilya ni Almira at gaya ng dati, kahit hindi naman talaga sobrang bait ni Almira sa akin, at mapang-asar pa, ayos na rin naman siya.

"Magtanong ka sa akin kapag may mga pagdududa ka rito sa kaibigan ko at hindi niya maipaliwanag ang sarili niya kasi hindi niya alam, ah!" si Almira sa malakas na boses.

Nakakahiya pa dahil naririnig kami ng pamilya niya. May narinig pa akong nagtanong sa Mama niya kung kami na raw ba ni Alonzo. Her mother answered positively and I realized... just a day with him and I feel like the whole of Altagracia will know.

Alam ko namang gusto ni Alonzo na malaman ng mga magulang ko ang tungkol sa amin. Ayos lang din naman sa akin iyon pero naghihintay lang ako ng tamang panahon. Kaya lang... kung ganito na, mukhang kailangan na nga naming magsabi.

I don't want my parents to think that Alonzo is scared or something. He's not. He's just being polite. He doesn't want to pressure me so even when he wants to inform my parents, he's waiting for me.

Isa pa, ayon sa nabasa ko sa internet, isa rin iyon sa kailangang gawin sa isang seryosong relasyon. Seryoso! Seryoso na pala kami?! Thinking about us make me blush profusely.

"Salamat! Ang dami n'yong dala! Ang sasarap pa!" si Almira nang hinatid kami sa pintuan.

Hindi na sila rito nakatira at uuwi na rin daw sunod namin. May ibinigay ako para sa pamilya niya at mayroon din namang para sa kanya kaya tuwang tuwa siya.

"Hindi ka ba malulugi nito? S'yempre kahit mayaman ka, hindi puwedeng namimigay ka lang ng negosyo!" usisa ni Almira.

"Hindi naman." I chuckled.

"Ingat kayong dalawa! Magpapaalam lang kami ni Axel saglit sa loob, susunod na rin," si Almira nang nasa pintuan na kami.

Nasa labas nagpark si Alonzo. Sumakay muna ako sa sasakyan niya at ihahatid na lang sa station para kunin ang sasakyan ko at susundan niya na lang ako pauwi.

Tinanaw ko ang bakuran pagkatapos ng pagpapaalam namin kina Almira at Axel. Naglakad ako at sumunod si Alonzo. The breeze of the cold night blew as we started walking towards the gates.

Bumagal ang lakad ko para mahintay si Alonzo pero masyado kong nabagalan na bahagya siyang nauna. Sumulyap siya sa akin. Like a sudden streak of lightning, I felt that it's the right time to do it. Madilim at kaming dalawa lang... naglalakad.

Ayon sa nabasa ko, holding hands is normal in a serious relationship so it should be okay.

Slowly, I let my left hand slip on his right palm. I stiffened when his head darted at me, a bit shocked at my move.

"Ang bagal mo, Lonzo! Inunahan ka na tuloy!" sigaw ni Almira na mukhang nakatanaw pa yata sa amin sa bintana!

Napatalon ako bahagya at mabilis na binawi ang kamay. Bumilis din ang lakad ko at naiwan si Alonzo dahil nilingon pa yata si Almira.

Getting To You (Azucarera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon