Kabanata 13

568K 23.9K 14.4K
                                    

Kabanata 13

Fight


I've been so nervous going to work since the very first day. Akala ko maiibsan iyon kalaunan pero hindi nabawasan. Hanggang ngayon, kabado pa rin ako tuwing pumapasok sa trabaho.

I have little interaction with Alonzo since then. Kung hindi kami nakakapag-usap tuwing lumalabas ako, isang tango at ngiti lang galing sa kanya kapag pumapasok siya sa opisina para sunduin ang ina.

Weeks passed and it almost felt like this is going to be an infinite thing. Hindi ko man lang namalayan na unti-unti ring nalalagas ang oras ng tag-araw at tuwi-tuwina na ang bisita ng ulan.

One gloomy afternoon, when I'm done with my works and done with helping other people, I went out of the office. Nakapantalon, t-shirt, at block heeled sandals, tinahak ko ulit ang pathway patungo sa mga warehouse. Natigil ako nang sa kalagitnaan ay nakita ko ulit si Alonzo na ginagawa ang trabaho niya.

Kinakarga ang sako sakong retaso ng tubo patungo sa mga truck na nakahilera at naghihintay ng ilalagay.

Napakurap-kurap ako nang nakita ang hirap ng ginagawa nila habang ipinapagkasya sa truck ang maraming sako. May isa pang nakahulog ng sako dahilan ng pagtulong ni Alonzo roon. Nasira ang balanse ng pagkakapatong-patong kaya tinulak ni Alonzo ang ibang sako para hindi mahulog ang lahat. Ang mga kasama niya'y unti-unting pinulot ang mga nahulog at inaayos ulit sa taas.

Couldn't stand seeing him struggling, I went out of the pathway. Dire-diretso ang lakad ko. Dahil abala ang lahat, huli na nang napansin ako ng isang trabahante.

Sa tabi ni Alonzo, tumulong ako sa pagtutulak ng sako kahit alam kong walang bilang.

"Si Ma'am!"

Nakayuko si Alonzo noong una pero nang naramdaman ako sa tabi niya, mabilis siyang bumaling. I saw how shocked he was when he saw me.

"Ako na, Sancha!" agap niya sabay lipat ng kamay sa parteng tinutulak ko.

Nilingon niya ang mga kasama at saktong natapos ang ginagawa nila.

"Excuse me, Ma'am," sabi ng isang trabahante nang unti-unting isasarado na ang likod ng truck.

Bumaling ako at inisip pa ang gagawin.

"Okay na. Bitiwan mo na," he said as he stared at my hand, slightly unable to move it with his.

"Oh!"

Umatras ako at hinayaan na sila sa ginagawa. Narinig ko ang sigaw ng isa na break daw muna nila. Tamang oras nga ang paglabas ko dahil lagi'y sa ganitong oras naman sila nagpapahinga sa trabaho.

Umalis ang truck. Nagsialisan din ang mga kasamahan ni Alonzo. He tried to put his hand over my head, as if it's enough to shield me from the sun. BUt it's gloomy, I don't need it.

"Silong ka muna," aniya at nagpatiuna na pabalik sa pathway.

Sumunod ako sa kanya. Nang bumaling sa akin at nakita ang distansiya, bahagya siyang gumilad na para bang ang laki ng espasyong dapat para sa akin.

"Uh..." He chuckled. "Pasensiya na. Ganoon talaga madalas kapag pagod na kami. Nahihirapan nang ibalanse ang mga sako."

Tumango ako. "Kaya dapat nagpapahinga rin kayo."

He nodded, too. "Tapos ka na sa trabaho mo?"

"Oo. Tapos na ako. Ang ingay ng hilik ni Ate Soling sa tabi ko kaya umalis muna ako."

He laughed. I smiled.

"Enrolment na, ah? Nakapag enrol ka na?"

Bahagya akong nalungkot. When the rain starts, the school years starts, all of this will end.

Getting To You (Azucarera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon