Kabanata 39

663K 26.4K 13.7K
                                    

Kabanata 39

Relax


Hindi ko na makausap si Alonzo nang bumaba ako at nasa hapag na sila. Huling-huli na ako. Nagsimula nang mag-almusal. Wala nang puwang para mag-usap kaming dalawa, lalo na dahil parehong hindi dala nina Ate Peppa at Kuya Manolo ang kani-kanilang mga anak. They have all of their attention to Alonzo.

"So clinic 'yong itinatayo n'yo sa tabi ng bahay?" usisa ni Ate Peppa.

Napabaling ako kay Alonzo. Naalala ko nga'ng may ginagawa sa tabi ng bahay nila pero hindi ko naman inisip na kanila iyon. Sumulyap si Alonzo sa akin bago tumango. I smiled at him.

"Hindi ko pa sigurado pero ganoon ang naunang plano. Kasi lilipat muna sana sa taas kung ire-renovate ang ilang bahagi ng bahay."

"Ang laki ng bahay n'yo! Ipaparenovate? Ibig sabihin doon ka titira? For good ba?"

"Iyon sana ang plano pero gusto ko ring magtayo ng bahay sa ibang bahagi ng Altagracia. Balak ko po kasing tuluyang gawing komersyal ang bahay namin dahil sa location."

"Naku sayang 'yon! Pero... hmm... tama rin naman. Pero sayang talaga."

"Hindi pa naman po agad. Uunahin ko munang idevelop ang ipinapatayo sa tabi."

"With all your plans, Alonzo, does that mean you're staying here?" si Daddy.

Nagsimula na akong kumain. Alonzo can't even eat properly because of the questions. Ngayong si Daddy ang nagsalita, si Ate Peppa naman ang kumain.

"Iyon po ang plano ko, Sir."

"That's a big decision for someone as accomplished as you, Lonzo," si Kuya naman. "Narinig ko na may koneksiyon ka pa sa Manila? Sa mga research mo, tama?"

"Opo, Sir. Kasalukuyan din akong gumagawa ng research at kasali rin sa ibang research doon."

"Isn't it more convenient if you stay in Manila if that's the case?" si Mommy naman ngayon.

"Minsan lang naman po ang presentation sa research at kaya namang online na lang ang ibang trabaho. Kapag may presentation o importanteng meeting lang, puwede naman pong lumuwas. At nakita ko rin po kasi na kailangan nila ng surgeon dito dahil matanda na rin si Doctor Mondejar."

Tumango si Daddy. He seems very impressed at Alonzo.

"Ilang linggo o buwan ka naman sa Manila kapag may presentation ng research?" si Kuya Manolo.

"Depende po, Sir, kung ilang presentation. Baka rin po minsan maaga akong lumuwas para makapag meeting pa ako at ma finalize ang ibang bagay."

"Oh. That's big, huh?"

"Sa research mo ngayon, kailan ang presentation niyan?" si Ate Peppa naman.

"Kung matapos ko po. Within four to six months na lang siguro, tapos ko na."

"So luluwas ka ng Manila?" si Kuya naman.

"Opo. Para sa presentation."

"Maiiwan si Sancha!" deklara ni Kuya sabay ngisi.

Kanina pa ako natitigilan sa pagnguya sa kinakain. Sumulyap ako kay Kuya.

"Ilang linggo lang naman, e. 'Tsaka... ayos lang... malapit lang ang Manila," sagot ko.

Nagtaas ng kilay si Kuya at ngumisi lalo.

"Buti hindi mo naisipang sa abroad na magtrabaho? Lalo na dahil UCLA graduate ka?" si Ate Peppa.

"Dati pa naman talagang gusto ko rito na magtrabaho, kung bibigyan ng pagkakataon at may malaking sahod naman po. Pero may ilang research din ako na ipepresent abroad kaya kung babalik man, siguro mga ilang buwan lang din. Hindi naman na doon na mamamalagi."

Getting To You (Azucarera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon