Chapter 6

219 8 5
                                    

5 years later

Nakatingin ako sa kisame habang inaalala ang mga nangyare noong highschool days ko. Masyadong fresh pa ang mga alaalang yun sa puso't isipan ko. Kung paano niya ako iniwan na nagtataka, kung paano niya ako sinaktan ng sobra sobra.

Ngayon na 3rd year college na ako taking accountancy, mas naging busy ako dahil andaming paperworks. Idagdag mo pa ang pagiging working student ko sa isang fast food. Kailangan kong magsipag at maging independent dahil para din naman ito sa future ko.

Hindi ko na nga masyadong nagagawa ang task ko bilang writer sa wattpad dahil sa busy schedules ko. May mga on going stories pa akong hindi natatapos at ang mga readers ko ay todo hintay sa mga updates ko. Naaawa na tuloy ako sa kanila pero mas importante ang pag-aaral ko.

"Sandra, may naghahanap sayo sa labas." sabi ng kasama ko sa kwarto. Room mate kumbaga.

I am living in a boarding house near at my school.

Lumabas ako at nakita ang bestfriend ko since grade 7. Si Ary na laging andyan kapag down na down na ako. My greatest companion and yeah, a partner in crime.

"Oh? Na miss moko?" natatawang sabi ko.

"Oo naman, tara gala tayo?"

Tutal sabado naman ngayon, pumayag na ako. Pinapasok ko muna siya sa bahay at pinagtimpla ng juice.

"Hindi ba mahirap mag-isa Sandra?" tanong niya at umiling ako. I know what she means, me being alone without my family and friends.

"Hindi, as long as alam mong kaya mo at lagi ka lang magdasal, makakaya at makakaya mong maging independent." nakangiting sabi ko. Nagpaalam muna akong magbibihis muna at tumango lamang siya.

--

Pagkatapos kong magbihis ay nadatnan ko siya na tumitingin sa bookshelves ko. Nakangiti siya at manghang-mangha.

"Woah, I'm so proud of you. Halos lima na ang published book mo." napangiti ako sa sinabi niya.

"Wala 'yan, at tsaka hindi ko yan mararating kung di dahil sa inyo. Alam mo na , kayo yung inspiration ko."

"Sabihin mo nalang na siya talaga ang inspiration mo at umaasa kang babalik pa siya." prangkang sabi niya.

Aray, it hits me so painful.

Tagos ah.

After he said to me that he is also falling, back when we were in grade 10, a week after na hindi kami nagpapansinan ay nabalitaan kong nag transferred out siya. It was only 2 months of the school year tapos umalis na siya agad.

Kinagabihan ng araw na iyon ay may natanggap akong mensahe. Halos magdamag akong umiiyak non dahil ang kinatatakutan ko ay nangyare na. Bukas na raw yung flight niya, the worst thing he said is that huwag na raw akong umasa sa kaniya.

He didn't mean all the words he said to me before.

And it hurts, umasa ako ng sobra sobra.

"Grabe ka naman, oo na umaasa parin ako na babalik si Echo. Kahit na imposible." nakangiti ako ngunit masakit parin ang puso ko.

"Tara na nga, ang drama mo na." natatawang sabi niya at natawa na lamang ako.

Pumara kami ng tricycle papuntang SM mall. Pagdating namin doon ay pumunta kami sa isang boutique.

"Taray ang yaman natin ngayon ah?" natatawang puri ko.

"Hindi ah, si mommy kasi binigyan ako ng pera. Reward nila sakin since nangunguna ako sa klase namin."

"Talaga? Wow, congrats!" masayang bati ko sa kaniya.

--

After 3 hours of roaming around the mall ay andito kami sa kabilang mall at kumakain sa isang korean restaurant.

"Dati pangarap lang nating makakain dito, ngayon sa wakas andito na nga tayo." sabi niya.

"Oo nga, naaalala ko pa dinadaanan at nag iimagine lang tayo kapag nakikita natin tong restaurant na to. Sayang wala yung iba nating kaibigan, sana inanyayahan mo."

"Eh, busy raw sila eh, ininvite ko naman sila noong nakaraan pero may event silang pupuntahan. Akala ko nga mag-isa lang akong gagala, mabuti at free ka."

Habang nagkukwetuhan ay may lumapit na isang babaeng may dalang libro.

"Ah, excuse me po ikaw po ba si Miss Fawziya?" tanong niya habang nakatingin sa akin.

tumango ako at mas lumapad pa ang ngiti niya. "Pwede pong pa autograph? I'm a fan of your stories sa wattpad kasi, actually lahat ng book na napublished mo ay meron ako. Sayang at isa lang ang nadala ko ngayon." mahabang sabi niya. Kumuha naman ako ng pen at pinirmahan ang first book na napublish ko 2 years ago.

Ayun tuwang tuwa siyang umalis at bumalik sa table niya, ngumiti ako.

"Taray ah!" nakangiting sabi ni Ary.

Nagkwentuhan kami habang kumakain ng ilang korean dishes.

--

Tumambay muna kami sa isang park habang kumakain ng nilagang mais. Malamig at maganda ang gabi kaya sinulit na namin ang bonding namin.

"Bilib talaga ako sayo, mahal mo parin siya hanggang ngayon no?" agad akong tumango.

"Kita mo na, napaka loyal mo sa kaniya kahit na nasasaktan ka na sa mga nangyayare sa iyo."

"Ewan, kahit na sinabi niyang wala yung mga weird gestures niya noon ay hindi naniniwala ang puso ko. Parang may malalim na dahilan..."

Tinapik niya ako sa balikat. " Iba talaga epekto sayo ng wattpad hanggang ngayon." natawa ako sa sinabi niya.

"Duh, writer pa nga eh. Writer na sawi sa pag-ibig."

"Luh, wag ka ngang magdrama, alam mo may darating din mas better pa kay Echo, marami pang lalaki sa mundo Sandra."

Itinapon ko ang walang laman na mais.

" But I only want him, my heart wants him."

--

Umuwi na kami at sa ngayon nasa bahay na ako. Naligo muna ako bago nagpatuloy sa pag-type ng panibagong chapter ng story ko. Pagkatapos ay nag study ako para sa next week examination namin, I need to pass that exam since malapit na ako sa pangarap ko.

Sumulat din ako ng poem sa poetry notes ko at napapangiti nalang ako dahil sa enjoyment.

Hindi ko rin nakalimutang i-message siya kahit na walang kasiguraduhang mababasa niya ito. Batid kong nagbago siya ng facebook account at hindi ko ito mahanap.

Habang nagbabasa ako ng ilang poetry sa wattpad na gawa din ng bestfriend ko, may kumatok sa pintuan ng bahay. Paglabas ko ay may nakita akong delivery man na may hawak na kahon.

"Are you Miss Fawziya Sandra Mendoza?"

"Yes po"

"This is your package from an international sender" what? package?

Tinanggap ko na lamang ito kahit di ako sure kung ano ang nasa loob. Pumasok ako sa kwarto at binuksan ito, napanganga ako sa nakita. Isang mamahaling laptop, isang set ng alahas at dalawang pares ng sandals.

Woah, kanino galing to? Ay nga pala sa international sender? Sino naman kaya yon? At paano niya nalaman ang address ko?

Akala ko yun lang ang nasa loob ngunit nagulat ako ng may isang sketchpad din. Pagbukas ko ay napanganga ako sa nakita. Lahat ng pahina ay may mga mukha ko. Ang ganda ng sketches!

May isang letter din na nakatupi at binasa ko iyon.

It is only a simple quote but it makes my heart beats faster.

"Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage."

--

Amorelessia

Dont forget to vote and comment! Thank you!

He's Worth Waiting For (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon