Chapter 4

248 9 7
                                    

Nasa school clinic kaming dalawa ngayon. Absent na kami sa mga susunod naming subjects. Kasalukuyan siyang nakahiga at nagpapahinga sa kama habang ako ay nakaupo sa isang plastic na upuan at nakatingin sa kaniya.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin kapag may mangyaring masama sa kaniya. Akala ko sa labi lang siya may pasa ngunit meron din pala sa braso! Hindi ko lang napansin kasi naka-jacket ito kanina.

"Sandra..." napalingon ako sa dumating. Yung bestfriend ko.

"Kamusta na siya?" napapikit ako sa tinanong niya, she's also echo's friend kaya alam kong nagaalala ito.

"Nagpapahinga pa siya, teka bat ka andito? May klase na ah?"  umupo siya sa katabing upuan.

"Vacant namin, nabalitaan ko ang nangyare sa kaniya kaya hinanap kita sa room niyo. Doon ko lang din nalaman na ikaw mismo ang nakasaksi sa  pagkawalan niya ng malay."

Hindi ako kumibo, tumango lamang ako sa kaniya.

"You really love him Sandra."

"Huh? Paano mo naman nasabi?"

"Kita ko sa mga mukha mo ang pag-aalala kanina pagpasok ko dito, tapos base sa observation ng ilang kaklase mo ay halos maiyak kana habang dinadala siya dito. You even wait for him to wake up, hindi ka man lang nagalala sa next subjects niyo. May reporting nga kayo sa isang subject sabi ni cel." mahabang paliwanag niya.

"Mas importante pa ang kalagayan niya kesa sa reporting Ary, group report naman iyon, babawi nalang ako sa kasamahan ko. Ilang ulit ko ng inisip to Ary, tama ka nga mahal ko na siya." sabi ko at bahagyang ngumiti.

I love him so much, I did really fall deeper and deeper for him. I don't honestly know if I will stop from falling.

--

Saktong 3rd subject na namin sa hapon ay nagising siya. Nakatulog ako ng konti kaya nagising din ako ng hawakan niya ang buhok ko. Medyo nagulat pa nga ako dahil hindi ako sanay na malapit sa kaniya.

Umupo siya kaya pinigilan ko siya.

"Dahan dahan, alam kong masakit pa ang katawan mo. Bakit ba kasi nakipag-away ka pa, ayan tuloy inabot mo."

Hindi siya kumibo kaya tiningnan ko siya. Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko.

"B-bakit?" nauutal na tanong ko. Kinakabahan ako ng sobra sa tingin niya.

"Masaya lang ako na nag-alala ka sa akin."  at dahil sa sinabi niya, namula na naman ang mga pisngi ko.

--

Uwian na at saktong binigay sa akin ng anak-anakan ko ang mga bag naming dalawa ni Echo. Nanghihina pa siya ngunit kailangan niyang umalis sa clinic dahil nga uwian na. Mas mabuting sa bahay na lang nila siya magpahinga, mas maaalagaan pa siya.

"Ma, sigurado ka ng kaya niyo nang dalawa? Andyan na kasi ang sundo ko eh, hindi ko na kayo matutulungan."

"No, it's okay. Go ahead, kaya na namin 'to."

Umalis siya doon at inalalayan kong tumayo si Echo.

"Kaya ba?" tanong ko at tumango siya. Kinuha ko ang mga bag namin at ako na ang nagdala. Nakasampay sa balikat ko ang aking bag habang hawak ng aking kaliwang kamay ang kaniya.

Ang kanang kamay ko naman ay siyang umalalay sa kaniya. Wala na masyadong tao sa campus namin kaya hindi na aandar ang pagiging mahiyain ko.

Habang naglalakad kami papunta sa gate ay nakasalubong namin ang isa naming kaklase.

"Sana all." sabi niya na ikinataas ng aking kilay.

"Sandra! Omg, ako ng magdadala sa bag niyo!" sabi ng kakadating lang na friend ko.

"Infairness sayo ah, napaka caring mo pagdating sa kaniya." dahil sa sinabi niya ay napalingon ako kay echo, nakangiti siya at uminit bigla ang aking mga pisngi. Demi god is damn smiling at me!

May mga paru-paro din akong naramdaman sa loob-loob ko.

Pagkalabas namin sa gate ng campus ay pumara kami ng masasakyan. Hindi ako kampanteng uuwi siya ng mag-isa kaya sumabay na ako sa tricycle papunta sa bahay nila.

Ah bahala na, wala ng hiya-hiya 'to sandra. Fighting! Makikita ka ng parents niya.

Magkatabi kami sa harapan ng tricycle. Habang nagbabyahe ay nagulat ako ng ayusin niya ang buhok ko. Ngayon ko lang napagtantong magulo masyado ito.

"Sorry, naghirap kapa dahil sakin."

Kung alam mo lang kung gaano kahirap mahalin ang isang tulad mo simula grade 9, jusko baka madepress ka at tumalon sa tricycle.

Saktong pagdating namin sa kanilang bahay ay andun ang ate niya. Sister-in-law ko for short, charot!

"Hala, anong nangyare sa kaniya?" tinulungan  niya akong umalalay sa kapatid niya.

"May nambugbog po sa kaniya."

"Okay lang ako ate, nadala naman ako sa clinic kanina." sagot niya. Pumasok kami sa bahay nila at nadatnan ko ang mga magulang niya na nakaupo sa sofa ng kanilang salas.

"Ah, magandang hapon po." bati ko. Dapat maging magalang tayo sa lahat ng oras, malay mo magustuhan ako ng mga magulang niya at agad agad nila kaming ipakasal. Oh ha! Super impossible ng imagination ni Sandra the umaasa.

Nag usap sila sa malayo habang ako abala sa pagce-cellphone. Nababatid kong pinapagalitan siya at pinagsasabihan.

"Ah iha, mag gagabi na, hindi ka pa ba uuwi? Nga pala saan pala ang bahay niyo?" tanong ng kaniyang nanay.

"Ah, diyan lang po sa kabilang subdivision. Tsaka okay naman po ako, gusto ko lang masigurong nagpapahinga na siya, baka kasi tumigas pa ang ulo niyan."

Lumabas muna kami ng nanay niya. Nagpasalamat ito sa akin at panay walang anuman naman ako. Pati rin sa kaniyang ate, natutuwa akong nasa maayos na lagay na siya ngayon.

"Ma ihahatid ko lang siya sa labas, oo okay lang ako diyan lang naman po sa labas. Hindi ako lalayo, hihintayin ko lang na sumakay na siya ng tricycle pauwi." rinig kong sabi niya sa mama niya.

"Hatid na kita."

"Kaya mo?"

"Oo, malakas na ulit ako. Salamat, baka kung hindi dahil sayo mas malala pa yata ang aabutin ko."

"Wala yon, alam mo naman noong grade 9 na talagang gusto kita. Binabalewala mo lang ako noon."

Kinamot niya ang kaniyang ulo.  "Sorry din pala tungkol doon"

"Wag mo ng isipin yun."

Habang naghihintay sa labas ay sumunod din pala ang kaniyang ate. Nakangiti ito habang nakatingin sa aming dalawa. Pinasakay na nila ako ng tricycle pauwi at safe naman akong dumating sa bahay.

Adriel Echo's Point of view

"Sino yon ha? Girlfriend mo?" tanong ni ate. Kanina pa siya tanong ng tanong tungkol kay sandra. Mabuti nalang at nacocontrol ko pa ang inis ko.

"Hindi."

"Eh ano nga?"

"Soon..."

"Ano ba yan, soon to be ano?" naiinip na sabi niya.

"Soon to be my wife.

--

Amorelessia

Please dont forget to vote and comment! I want to know what are your feedbacks, thank you!

He's Worth Waiting For (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon