Chapter 32

121 3 0
                                    

Simula nang mangyari iyon, naging iwas muna ako kay Echo. Hindi ko kayang tawagin siyang kuya o di kaya ng Gabriel. Hindi pa tanggap ng buong sistema ko.

Kamakailan lang masaya kami, bakit bumaliktad lahat? Bakit pasakit na naman ang laging nananalo?

Nakakapagod na, panandaliang saya lang pala ang maging kami. Dahil hindi pwede, hindi kami pwede sa isa't isa.

Lagi kong pinapaalala sa sarili ko na hindi kami pwede dahil magkapatid kami. Pero iiyak lang ako tuwing iisipin ko iyon. Nasaksaktan ako, gusto ko ng sumuko.

Alam na ng mga kaibigan ko pati sa kaibigan rin ni Echo, kasama ko ngayon dito sa isang coffee shop sila Ary, Eena, Tracie at Rin. Naaawa at nanghihinayang sila sa nangyari. 

"Everything happens for a reason Sandra, hindi man natin alam ito pero may rason lahat lahat."  sabi ni Eena.

"Alam ko naman, pero hindi ko kayang tanggapin. Kaya ba noong highschool ako ganon ang connection na nararamdaman ko sa kaniya? Dahil kuya ko siya?! Masakit, d-dito." tinuro ko ang dibdib ko.

"A-akala ko magiging masaya na kami. Akala ko hindi na kami mabubuwag. We almost did that stupid thing! Nahawakan niya na ako, at ngayon nandidiri na ako! Sarili kong kuya pinatulan ko!" iyak ako ng iyak. Kami lang ang tao sa coffee shop na ito. Mabuti nalang at sarado na ito. Pagmamay ari ito ng kuya ni Tracie.

"Hindi mo naman alam Sandra." sabi ni Tracie.

"Kaya nga! Hindi ko alam lahat, sana man lang maaga kong nalaman lahat. Dahil mas matagal mas masakit." dagdag ko pa.

Pinatahan nila ako pero wala silang magawa. Hindi ko talaga kaya ang nangyayari ngayon. Masakit, masyadong masakit.

"I always questioned myself , why is this happening to me? To us? Am I that bad? May ginawa ba akong kasalanan sa past life ko at ganito na lang ang ganti sa akin? Isa ba akong serial killer noon?!" iyak parin ako ng iyak. Damn, nababaliw na ako kaiisip.

"Sandra, sana matanggap mo na as soon as possible. Dahil kung laging itatanggi ng sistema mo, mas lalong sasakit ang puso mo." sabi ni Ary.

Hindi na ako nakasagot, tanging luha na lang ang tumulo sa mga mata ko.

Siguro isang swimming pool na ata ang nailuha ko.

"Heto tubig." abot sa akin ng may ari ng coffee shop, kuya ni Tracie.

"Thanks." tanging sambit ko.

"It helps you to calm down, by the way I'm Gavin."  pagpapakilala niya.

"Sandra." nakipag shake hands ako sa kaniya. Ganoon na din ang aking mga kaibigan.

"Salamat pala sa pagpapahiram mo ng coffee shop mo Gavin." pagpapasalamat ni Rin.

"No problem, sarado naman talaga ito ng ganitong oras." napatingin ako sa wall clock ng shop. Eight na pala ng gabi.

Napagpasyahan na nilang umuwi, ganon na din ako kahit ayoko sa bahay.

Ihahatid sana nila ako sa bahay pero tumanggi ako. Kaya sa bahay nila Ary muna kami tumuloy, wala naman ang kaniyang magulang dahil may trip ang mga ito sa bohol.

Natulog na lang muna ako sa sofa nila at alam kong habang tulog ako ay nag uusap sila tungkol sa akin. Nakikita ko sa mata nila kung gaano sila naaawa at nasasaktan para sa akin.

Ganito pala kahirap mabuhay ano?

Hindi mo nalang alam sa susunod na bukas, may malalaman ka. Tapos masasaktan ka, at talagang bibitaw at susuko ka na.

He's Worth Waiting For (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon