Chapter 21

127 4 0
                                    

It's hard to leave him behind, but that's for the better. I hope I can breathe without the pain soon.

Nasa bahay na pala ako at nandito din sina Ary, Eena at Rin. Kahit pagod ay kakausapin ko sila.

"How's the trip? Did you have fun?" tanong ni Ary.

Yeah, hindi pa nila alam ang nangyari. I didn't text them, ayokong makaabala habang nasa Canada ako.

Now I will tell them everything.

"Kwentuhan mo kami dali! Panigurado ang sweet sweet niyo! Yieee!" kilig na sabi ni Rin. Naka straight face parin ako at alam kong sanay na sila sa mukha kong ito.

"Huy Sandra, nakikinig ka ba?" tumango ako.

"Hindi ka na jolly ah? Bumalik na ba memories mo at pati facial expressions mo ay nakabalik narin?" natatawang sabi ni Eena.

Yes Eena, my memories are back.

"Magsalita ka na, go! Naghihintay kami."

"'Wag ka nang mahiya, we're friends."

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili, alam kong iiyak at iiyak ako anytime. I can't handle the pain inside me.

"S-si Echo, nagloko." simpleng sagot ko.

"Nagloko? Pinagtripan ka niya no?" nakangiting sabi ni Rin.

"N-nakipagtalik siya sa ibang babae, kitang kita mismo sa mga mata ko." hindi ko na maiwasang mapiyok at sunod sunod na umagos ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"Ang sakit sakit bes." umiyak ako ng umiyak. Akala ko makakahinga na ako ng malaya pero parang ni konti hindi man lang nawala ang sakit.

"Oh Gosh. Di ako makapaniwalang nagawa niya yun Sandra." sabi ni Ary.

"I'm speechless," dagdag ni Rin.

"He's a jerk!" I shouted and cried again.

Ang bigat bigat sa puso Echo, parang mababaliw na ako sa sakit. Wala akong maramdaman maliban sa sakit ngayon.

Pinatahan nila ako at binilhan ng ice cream. Hindi nila nakalimutan na ang ice cream talaga ang comfort food ko. Bago pa nila ibinigay ay inexplain pa nila na ito ang comfort food ko kahit alam ko at naaalala ko.

Well, gusto kong sabihin sa kanila pero hindi pa sa ngayon.

"Fvck bes, kapag nakita ko yang haliparot na yan ay talagang isasaksak ko tong kutsara sa bibig niya. " galit na sabi ni Ary. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kutsara at pulang pula na siya.

Hindi talaga siya nagbago.

"Gigil na gigil na ako, parang gusto ko ng lumipad ng Canada anytime." sabi din ni Eena.

"Relax, nagpaalam na ako sa kaniya. I handed him a painful goodbye." I said in my mind.

Matapos kong ikwento sa kanila lahat ay nagpaalam na akong matutulog dahil pagod na pagod na ako sa byahe. Umalis naman sila at gagala lang daw at babalik din.

I am always lucky to have them.

--

"Sorry..."

"Sandra, lasing ako..."

"Ganoon na ba kadali sayo Sandra?"

"Hoy ikaw! Tanginang babae ka! Tingnan mo, ayan may nasira ka! Ayan may nawasak ka! Masaya kana?!"

"You knew what you were doing and you knew it would hurt me, but somehow that didn't stop you... I'm gonna make the most painful way to solve this problem, it is to say goodbye to you love..."

He's Worth Waiting For (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon