Chapter 24

135 3 0
                                    

It's a great day for me. Alam kong sa araw na ito, may malalaman ako kaya mabuting handa ako sa maaaring maging reaksyon at damdamin ko.

Fawziya, manage your emotions wisely please.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa salamin. Ang laki ng pinagbago ko, pumayat ako at naging putla. Siguro sa kakapuyat at sa pagkain ko sa hindi tamang oras. Haysss.

We can do it Echo, we can fight again. We can build our strong foundation again. Just don't waste the chance I will give you today, please. You have to prove yourself to me.

Bumaba ako sa kwarto at nakita si mama na nakangiti sa akin. Alam niya kung ano ang gagawin ko ngayong araw.

"Goodluck anak. I know you can handle it." I kissed her on the cheeks.

Lumabas ako sa bahay at nagulat ako ng walang ni anino ni Adriel. Napabuntong hininga ako, he promised to pick me up.

Naglakad nalang ako palabas ng subdivision namin. Tuluyan na yata akong lalabas nang may bumusina sa akin. Paglingon ko nakita ko siyang nakangiti sa akin.

"Bakit ka naglakad? I told you that I will pick you up."

"Ah, akala ko kasi nakalimutan mo."

"Why would I forget that? Lahat ng tungkol sayo ay di ko nakakalimutan Sandra."

"Tss, tara na nga. Nasasaniban ka na naman sa pagkabolero mo." sumakay ako sa kotse niya at nag cellphone.

Kinakabahan ako, ngayon ko sasabihin sa kaniyang bumalik na ang mga alaala ko. Ngayon ko siya bibigyan ng pagkakataon na babawi sa akin, ngayon ko din sasabihin sa kaniya ang mga hinanakit ko.

Madali akong magpatawad, lalo na kapag mahal ko iyong tao. Ganon ako, kahit na itinanim nila ay sakit lang sa puso, bibigyan ko parin sila ng pagkakataon upang tanggalin ito.

Kaya nga minsan natatawag na akong tanga at marupok e.

Tsk tsk, Fawziya Sandra Mendoza.

Nang dumating kami sa park ay nilibot ko ang buong paningin sa paligid. May mga batang naglalaro, matatandang nagbabasa, at mga ka edad kong nakikipaglandian.

Bitter po ako, char.

"Hindi ka nagugutom? Tara kain muna tayo."

"Hindi naman ako gutom eh, pero tara nagcr-crave ako ng... Hmm..."

"Ano?"

"Hulaan mo paborito ko." parang batang sabi ko, trip ko eh.

"Donut?"

Umiling ako.

"Ice cream?"

Umiling uli ako.

"Ano?" naguguluhan niyang tanong.

"Ikaw." pilyang sabi ko. Medyo mahina ang pagkakasabi ko kaya di niya masyadong narinig.

"Ha?"

"Hakdog, HAHAHA tara na nga mag-usap na tayo baka san pa to aabot." hinila ko ang mga kamay niya at umupo kami sa isang bench sa ilalim ng puno.

"Sige na explain kana, hindi ako magagalit. Oh ayan naka ngiti ako para hindi ka matakot." natatawang sabi ko. Kahit na hindi naman talaga ako masaya, trip ko lang ito para mabawasan ang mabigat na feeling na nararamdaman naming dalawa.

"Ang nangyari kasi noong gabing iyon, inaya ako ng mga barkada kong uminom. Tumanggi ako pero pinilit nila ako, nalasing ako syempre at nahilo dahil may inilagay sa inumin ko si Rissa. Ayon nawalan ako sa huwisyo, habang ginagawa namin ang bagay na iyon ay nakikita ko pa ang mukha mo sa kaniya."

He's Worth Waiting For (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon