Chapter 11

170 8 2
                                    

Adriel Echo's Pov

Dala ng pag-alala ay hindi na ako nakapag ayos at tumakbo na papasok sa kotse ko. Hindi ko alam kung nasan siya pero hahanapin ko siya at hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nakikita.

Unang pinuntahan ko ang dating bahay nila, tapos sa isang coffee shop, last ay sa bandang bahay niya o boarding house niya ngayon.

Madilim ang paligid kaya hindi ko pa masyadong kita ang kabuuan ng lugar. Pero may nakita akong isang kamay na nakahilata sa daan.

Nagulat ako sa nakita, kilala ko kung kaninong kamay yan. May nunal si Sandra sa hinlalaki niya na katulad sa nakikita ko ngayon.

Tumakbo ako papalapit at nakita siyang walang malay at duguan ang parteng likuran ng ulo.

Isinugod ko naman agad siya sa malapit na hospital at naghintay ng ilang oras sa labas ng emergency room. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko, kinakabahan ako.

"Echo... S-si Sandra?" natatarantang tanong sakin ni Ary. Batid kong naiiyak na siya.

"Nasa loob pa siya, under observation pa ang lagay niya Ary."

Napaupo siya sa sahig at bumuhos ang kaniyang mga luha.

"S-sino ba kasi ang naglagay sa kaniya sa panganib? Sino ang walang hiyang gumawa sa kaniya neto?!" nakikita ko ang galit habang siya ay lumuluha.

Nagpapadyak na siya na parang bata. Dumating naman agad si Rin at iba pang kaibigan ni Sandra. Alalang-alala ang mga mukha at naghihintay ng magandang balita tungkol sa kalagayan niya.

"Gosh anong nangyare?" nag-aalalang tanong ni Francie.

Hindi ko masagot ang tanong niya dahil ni isa walang nakakaalam sa buong pangyayare.

"Na-contact ko na ang mga pulis, nagsisimula na silang mag-imbestiga sa nasabing crime scene." sabi ni Jap, bestfriend din ni Sandra since elementary.

--

"Sandra, malalampasan mo lahat ng ito." sabi ni Eena.

"You'll get healed, you're a strong girl." Rin said.

Pagkalabas kanina ng doctor ay sinabi niyang in comatose stage si Sandra. Lahat kami ay humikbi, lahat kami ay nasaktan at naawa sa kalagayan niya.

Habang umiiyak sila ay tumawag sakin ang nanay ko.

"Ma, bakit po?"

"Bukas ay babalik kana dito sa Canada. Napaka importante ang kailangan mong gawin dito anak, alam kong hindi pa tapos ang 2 weeks vacation mo pero sana, umuwi ka na."

"Ma, kailangan ako ni Sandra."

"I'll promise, 3 days ka lang dito tapos babalik ka na kaagad after that. Please anak."

Sumang-ayon na lamang ako sa kagustuhan ni nanay. Pumasok ulit ako sa kwarto ni Sandra at hinawakan ang mga kamay niya.

I'll leave her... Again.

"I'll leave you for a while, please be well okay? Sana pagbalik ko gising kana, please." I kissed her hands.

--

Nasa mall ako para bumili ng ilang gamit na ibibigay ko kay Sandra habang tulog siya. Para paggising niya kahit nasa canada ako ay makita niya ang regalo ko para sa kaniya.

Mararamdaman niya kung gaano siya ka-importante sa buhay ko.

--

Kinabukasan ay naghanda na ako para sa flight ko. Kahit ayaw kong umalis dahil nag-aalala ako kay sandra ay wala akong magawa. It's for my family, they need me there.

He's Worth Waiting For (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon