Chapter 9

195 8 0
                                    

Reunion Part 2

Palinga-linga ako sa buong hotel para hanapin sina Ary at Rin, tapos na ang event at paalis na sana kami. Asan ba kasi ang dalawang iyon?! Kanina pa ako hanap ng hanap sa kanila, nakakapagod.

"Are you finding someone?" napatalon pa ako ng may nagsalita sa likuran ko, Adriel Echo Castillo.

"Uhm, yeah."

"So uuwi kana ba?" tanong niya ulit.

"Oo, pagod ako eh. Kailangan ko ng pahinga."

"Sige, ingat ka." and then he walk away.

Bat ang cold niya? What's with him?

Uh, whatever. He's like that back when we were highschoolers.

--

20 minutes na akong naghahanap sa dalawang iyon. Nainis kaagad ako ng makatanggap ako ng text na nakauwi na sila.

Kung kanina lang sana nila sinabi edi nakapagpahinga na ako sa bahay! Nakapag beauty rest na sana ako at naka update ng isang chapter sa wattpad!

Kainis naman oh!

Lumabas nalamang ako ng hotel at naghintay ng masasakyan pauwi. Medyo masakit yung ulo ko dahil sa pagod at dala na yata rin ng antok.

Nakauwi na ata sila Echo, hay naman ang malas.

Umupo na lamang ako sa isang bench malapit sa garden ng hotel. Konti nalang ang dumadaan na sasakyan dahil gabi na. Baka mauwi ako sa paglalakad papunta sa bahay, nako.

Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko at paglingon ko nakita ko ang mga mukha niyang tila nag-aalala. Akala ko umalis na siya?

"Ang tagal mo ng naghihintay baka umuwi na sila. Tara na ihahatid na kita sa bahay mo." hindi ako agad nakapagsalita dahil sa gulat, hindi kasi ako makapaniwalang ihahatid ako ng isang Adriel Echo Castillo! Gosh.

"Uh, sige." wala na akong magawa, kitang kita kase na gusto niya talaga akong ihatid. Grab the opportunity na din dapat!

Nakakapagtaka lang, kanina ang cold tapos ngayon ang caring? May topak ba siya? Naka drugs lang ganern? Charot.

Habang naglalakad papunta sa parking ay medyo pumipikit na ang mga mata ko. Antok na antok na ako. Gabi na kase masyado, 12 midnight na ata. 

Pagpasok ko sa kotse niya, oo kotse talaga. Naks, yamanin ang cold na ito!

Tahimik lamang akong nakatingin sa labas ng bintana. Wala atang balak magsalita si Echo kaya dahil sa katahimikan at dala na rin ng antok ay hindi ko na namalayang nakatulog na ako.

--

Nagising ako at tiningnan ang paligid, nasa bahay na ako? Anong nangyare?

Halos mahulog ako sa kama ng makita ang half naked na si Echo. Anong ginagawa niya dito?! 

Kumalma ako nang maalala ang nangyari. Oo nga pala! Galing kami sa reunion at hinatid niya ako.

"Uh, naligo na ako sa banyo mo. Napahimbing ata ang tulog mo kaya binuhat na kita at dinala dito sa kwarto mo."

Nanlaki pa rin ang mata ko, hindi talaga ako makapaniwala! Kung dati sa panaginip niya lang ako nabubuhat at sa fiction stories lang ako nakakabasa ng pabuhat effect ngayon omg, I can't believe it.

Napalunok ako ng pinunasan niya ang  buhok niyang basa papunta sa leeg niya, ang hot ah.

Pagtingin niya sakin ay umiwas at kinuha ang cellphone at nagkunwaring gumagamit nito, nakakahiya kaya! Maisip niya pang ang perv ko pag tiningnan ko siya.


He's Worth Waiting For (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon