Chapter 12

154 7 1
                                    

Adriel Echo's Pov

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, gusto ko ng bumalik ng pilipinas anytime.

Hindi ko alam ang gagawin, natatakot ako at natataranta. Nahuhulog na ang mga bagay na ilalagay ko sana sa bag ko. Ang bilis bilis na ng mga galaw ko.

Sandra, please sana maalala moko.

"Anak, saan ka pupunta?" naguguluhang tanong ni nanay ng makita niya akong nag-iimpake na.

"I will fly back to the Philippines ma, si Sandra... Kailangan niya akong maalala."

"Anak, lagi nalang siya ang laman ng isip mo. Di ba pwedeng pamilya mo naman? O di kaya yung sarili mo?"

Nainis ako sa sinabi sakin ni nanay.

"Ma, all those years noong mga highschool kami, I didn't try to confess my feelings for her. I didn't take the chance to be with her. Ma, binalewala ko iyon kasi alam kong maiiwan ko din siya. And I chose my family over her, before. Ma, kahit ngayon lang... I want to spend time with her." natahimik si nanay.

"I keep prioritizing my studies before for you to be proud of me." dagdag ko.

"Go on, sorry anak. Basta kapag may kailangan ka, call me." tumango ako at humalik sa mga pisngi niya. Alam kong sa mga mata ni nanay ay wala na siyang magagawa.

Kagabi pa ako nakapabook agad ng flight pabalik ng Pilipinas pagkatapos sabihin sakin ni Rin na hindi kami maalala ni Sandra.

I will make a way na maaalala niya ako.

--

Nagpaalam na ako kila nanay at sumakay na ng kotse papuntang airport. Tinawagan ko muna si Rin para kamustahin si Sandra habang wala pa ako sa loob ng eroplano.

"She's fine, nakatulog siya ulit. Todo iyak kanina ang mga magulang niya, pati narin kami nila Ary. Lahat talaga echo, hindi niya maalala. I'll tell you the full details pagkarating mo. Magpahinga ka muna, don't stress yourself."

"Sige, salamat." and I ended the call.

--

Fawziya Sandra's Pov

Nagising ako dahil sa isang tinig ng babaeng umiiyak. Nanlaki pa ang mga mata nito nang makita akong gising na. What's happening?

"Sandra, do you recognize me?" umiling ako at mas lumakas pa ang hikbi niya.

May isang babae din na lumapit, halatang kakagaling niya lang sa pag-iyak.  Anong nangyayari sa mga tao dito? Teka nasaan ba ako?

"Sandra, si Ary to. Please naman oh, alalahanin mo ako, kaming lahat." niyakap niya ako at umiyak. Nanatili akong nakaupo sa hospital bed. Hindi ako gumalaw man lang ng yakapin pa ako ng isa. "Rin" daw ang pangalan niya at magbestfriend raw kaming apat.

Hindi ko alam ang ire-react ko since hindi ko matandaan lahat ng nangyari sa buhay ko. Lalong lalo na kung sino ang mga mahahalagang tao sa buhay ko at ano akong klaseng tao sa kanila.

Rin's Pov

Kanina pa iyak ng iyak si Ary. Nang makalabas kaming lima kasali na ang mama niya ay may pinag-usapan agad kami.

"I want you all to help my daughter bring back all those memories na kasama niya tayo. But please, as much as possible ipaalala natin ang magagandang ala-ala." we nodded.

"Echo is going back here din po tita. I suggest na pwede rin nating gawing instrumento si Echo para maibalik ang nawalang alaala ni Sandra." Eena suggested.

He's Worth Waiting For (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon