Chapter 18

115 3 0
                                    

Fawziya Sandra's Pov

Lumipas ang isang linggong pagiging busy ko ay sa wakas nakapagpahinga na din ako. Nasa bahay ako ngayon at medyo pagod dahil kakatapos ko lang din maglinis ng silid.

Hmm, namimiss ko na talaga si love. Ayoko namang istorbohin siya kaya shut up at behave nalang muna ako. I know he will text me later.

"Ma, pupunta akong mall mamaya ng mag-isa."

"Isama mo kaya ang mga kaibigan mo?"

"Huwag na Ma, baka busy eh ayokong umabala."

Alas diyes na ng umaga ngayon at mamayang alas dos ng hapon ay magsho-shopping ako. Kailangan ko din kasing makabawi sa sarili ko dahil isang linggo din akong walang maayos na pagpapahinga at hindi ko naaalagaan ang sarili ko.

Grades will always be our greatest challenge in life.

Kaya nga halos lahat ng grade conscious ay nagpapakamatay na.

But Remember, grades doesn't define your future.

--

Naghanda muna ako ng lunch at naligo. Pagkatapos ay kumain na din kami ng sabay ni Mama.

"Your recipe will always be a thumbs up for me." sabi ni mama at ngumiti ng napakalapad.

"Thank you Ma. I thought I am a bad cook."

Nagkwentuhan kami ni Mama kung paano ako naging isang independent na estudyante at anak. Napapangiti na lamang ako kahit hindi ko lahat naaalala.

I want my memories back.

Pagkatapos kumain ay nagbihis na din ako. The night before ay gumawa na ako ng plano kung saan ako pupunta. Hindi lang sa Mall kundi sa mga places na sinuggest ni Mama at ng mga kaibigan ko.

First will be at the park.

Second will be at the flower garden.

Third will be at a coffee shop nearby.

Fourth, the city library.

Last will be at the Mall.

Alam kong nakakapagod pero ayos lang. Atleast mae-enjoy ko ang oras na solo ako.

Pagdating ko sa park ay napangiti ako sa magandang tanawin na nakita. Puno ng kasiyahan ang buong park. May nagkwekwentuhan, naghaharutan, mga batang naglalaro, at mga matatandang nanonood sa kanilang mga apo.

Napaupo nalang din ako sa bench malapit sa isang punong mala leeg ng giraffe ang taas.

Inhale...Exhale...

I miss you, Echo...

Pumikit ako at dinama ang hangin at ang masayang atmosphere ng park.

Pagmulat ko ay may nakita akong batang nakaupo sa ilalim ng puno at nakatingin sa ibang batang kumakain ng ice cream at donut.

May branch kasi ng Dunkin Donuts at may stall ng ice cream sa tapat lang ng park.

Malungkot siya at medyo madungis na. Nilapitan ko siya at tinanong kung ano ang pangalan niya at kung saan siya nakatira.

"Boy po ang pangalan ko, wala po kaming bahay e."

Nalungkot naman ako sa sinabi niya.

"Bakit? Saan pala ang mga magulang mo?"

"Namamasura po sila, ako po nagbabantay sa kapatid ko na naglalaro doon. Mahirap po kami eh, kaya isang kariton lang kami natutulog, o sa isang karton at humihiga kami sa gilid ng kalye."

He's Worth Waiting For (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon