Chapter 25

127 3 0
                                    

Araw araw, bawat minuto ay nakakatanggap ako ng text message mula sa kaniya. Kinukulit niya ako at inaasar lagi. Pero mas naaasar siya pag ipinipilit kong walang kami.

I texted him. "Andami mo atang load ngayon?"

He replied. "Syempre ako pa."

"Ah, san ka ngayon?" tanong ko.

"Nasa puso mo." tumagal ng tumagal nawiwirdohan na talaga ako sa kaniya. He is not like this before, nakakapanibago.

Pero nakakatuwa naman, corny nga lang.

--

Lumipas ang ilang oras at uwian na namin. Walang kahit na anong text si Echo na susunduin niya ako. Hmm, I wonder what happened. Palagi naman siyang nagtetext sa akin tuwing uwian, tsk tsk.

Paglabas ko galing sa classroom ay may sumalubong sa aking mga lalaki. Anong nangyayari?

"Bitawan niyo'ko!"

Bigla nila akong hinila at isinakay sa Van. Nagpupumiglas ako dahil natatakot na ako!

Tahimik akong nakaupo at yakap yakap ang bag ko. Naiiyak na ako sa takot.

Dumating kami sa pamilyar na bahay. Bahay nila Echo? Kukunin din ba siya? Naku wag naman sana!

Ako nalang kunin niyo! Wag na siya, huhu naiiyak na talaga ako.

Pinababa nila ako at pinapasok sa loob. Hindi ko masyadong kita kung ano ang nasa loob dahil naging blurry yung paningin ko dahil sa aking luha.

Pinahid ng isa sa mga kumidnap sakin ang luhang nasa mata ko at dun ko napagtantong nasa harapan ko na si Echo.

"Natakot ka ba? Huy mga ulol sabi ko sa inyo ingatan niyo eh." sabi niya sa mga lalaki.

Kilala niya? My gosh di pa nagsisink in sa utak ko ang pangyayaring ito.

Tinanggal ng mga lalaki ang takip nila sa mukha at dun ko nalamang ka batch ko ang mga depungal na ito.

"Hi Sandra! HAHAHA." tawang tawa pa ang isang unggoy. Kainis!

"Pinaiyak nitong si Gelo yung prinsesa mo Echo. Anlaking tao kasi kaya ayun akala ni Sandra sumo wrestler." sabi ni John.

"Tumahimik ka nga, bali yang braso mo pag ako nag wrestling sayo." pagbabanta niya.

"Tumahimik na kayo, tingnan niyo si Sandra ang sama ng tingin sa atin." sabi ni Ryle.

Lumapit naman sila sa akin at niyakap ako. "Sorry na Mrs. Castillo. Oh pre alis na kami, yung sweldo namin ah?! Pakasaya kayo!" sabi ni Gelo at umalis na din ang mga depungal.

Lumingon ako kay Echo na may masamang titig.

"Sorry na HAHAHA, part yun ng surprise ko. Oh diba naiyak ka sa surprise ko." hinampas ko naman siya sa dibdib.

"Kainis ka."

"Oh tara?"

"Saan?" tanong ko.

"Sa kwarto." nanlaki ang mata ko pero bago ko pa siya mahampas ay umiwas ito. "Chill, sa garden lang tayo pupunta."

He grab my hand and intertwined our fingers.

Nang malapit na kami sa garden ay binitawan niya ang kamay ko at tinakip ito sa mga mata ko.

Inalalayan niya akong maglakad at ng tumigil kami dun ko nakita ang kabuuan ng garden nila.

He's Worth Waiting For (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon