Chapter 14

150 5 1
                                    

Fawziya Sandra's Pov

"Wag ka ng umasa pa Sandra."

"Masasaktan ka lang."

"Itigil mo na yang nararamdaman mo para sa kaniya."

"Try mong magkagusto sa iba."

"Wag ka ngang loyal, kaya ka nasasaktan e."

"He doesn't deserve you." 

Napabangon ako sa panaginip ko. Tiningnan ko ang orasan at alas diyes pa ng gabi. Puno ang noo ko ng pawis at napatulala ako sa bintana.

Anong ibig iparating ng panaginip ko? Panaginip ba iyon o nangyari talaga sa totoong buhay? Bakit yon ang mga sinasabi ni Rin, Ary, at Eena? Bakit pinapamukha nila sa akin na hindi karapat dapat na magsama kami?

Bakit parang nasasaktan ako? Bakit parang sumikip ang puso ko?

Bakit parang maiiyak na ako? Anong nangyayare sakin?

Naguguluhan ako sa mga naiisip kaya nagbasa nalang ako ng libro para mawala ang negative thoughts at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ulit ako.

--

Kinabukasan ay nagising ako ng mga alas sais ng umaga. Nagpaalam muna ako kay mama na aalis ng bahay at magjo-jogging sa subdivision. Kailangan kong mag exercise.

Habang tumatakbo ako ay napadaan ako sa isang kalyeng masyadong tahimik. Napatigil ako at napatingin sa gilid ng kalsada.

Maya maya pa ay may kung anong tunog sa aking tenga na sobrang tinis. Dahil hindi ko matiis at nagsisimula ng sumakit ang ulo ko ay napasigaw ako habang hawak hawak ang noo.

"Ahhh!" Napapikit na lang ako sa sobrang sakit. Parang binibiyak yung utak ko, nanghihilo na ako. I don't know what's happening to me, I am heavily breathing and slowly shutting down.

Idinial ko ang kung anong number sa phone ko. Please help me, please...

"H-help me."

"Hello, Sandra?! Anong nangyare?"

"Ansakit ng u-ulo ko, E-cho bilisan mo." napapaluha na ako sa sobrang sakit. Napapakagat ako sa labi at mahigpit na nakahawak sa jogging pants ko.

Naririnig kong tumatakbo na siya palabas ng bahay nila. Please hurry, love.

"N-nasa subdivision."

*Call ended.

Napaupo ako sa sahig, bakit nangyayare to sa akin? Wala masyadong tao sa lugar kaya mag-isa lang ako dito. I need immediate help.

May isang kotseng huminto at tumatakbong bumaba doon si  Echo. Nag-aalalang niyakap niya ako at pinatahan. I am crying on his shoulders right now, I am so afraid.

"Shhh, calm down. Tara na umuwi na tayo, you need to rest." tumango ako at kumapit sa mga bisig niya. Inalalayan niya naman akong tumayo at pumasok sa kotse niya.

Pagdating namin sa bahay ay pinaupo ako ni Echo sa sofa at kinausap niya si mama sa nangyari.

"Anak ano ang buong pangyayari kanina? "

"D-dumaan lang naman ako sa subdivision ma, ayun bigla akong napahinto dahil medyo nahilo ako, doon na din sumakit ng sobra yung ulo ko na para bang binibiyak."

Nagkatinginan silang dalawa at bumalik ang tingin sa akin. Nagtaka tuloy ako sa inasta nilang dalawa.

"May alaala bang sumagi sa utak mo anak?"

He's Worth Waiting For (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon