Special Chapter

215 4 0
                                    

"Adriel Echo!" I shouted. Nakaupo ako ngayon sa sofa at hinihintay ang asawa ko.

Kinusot kusot pa niya ang kaniyang mata habang pababa ng hagdan.

"Why? Is there something wrong?" tanong niya at niyakap ako. Tinanggal ko ang kamay na nakayakap sa akin.

"I'm craving for ice cream. Buy me one, cookies and cream flavor." bossy na utos ko.

Nagulat siya at napabuntong hininga.

"Love, ang aga aga ice cream? You wake me up for that? It's 3 am."  kalmadong sabi niya.

Tiningnan ko siya ng masama at narinig kong napamura siya ng mahina.

"Fine, wait for me in 15 minutes. Bibilhan kita ng ice cream mo."

Paglabas at paglabas niya dala ang susi ng kotse ay narinig kong may sinabi siya.

"Craving pregnant is so hard to deal with, tss."

Alam kong naiinis siya tuwing nagcre-crave ako ng kung ano anong pagkain dahil hindi lang isang beses itong nangyari. Ikawalong gising ko na yata to para lang kumain ng kung anong gusto ko.

Kinokontrol niya naman ang temper niya kaya wala siyang magawa kundi bumili. Nawiwirdohan na nga siya sa akin kung bakit halos sweet foods ang laging pinapabili ko sa kaniya.

Ewan ko din. I am pregnant at normal lang namang mag crave ng ganito. Pero mas lumala ang ugali ko, kung tampuhin at naiinis ako bigla, mas sumobra pa at minsan nasasaktan ko siya ng pisikal.

Paggising naman sa umaga ay nagso-sorry ako sa kaniya sa mga ginawa ko. Naiintindihan niya naman raw dahil nabasa niya sa internet kung ano ang possible changes kapag buntis yung asawa mo.

Napapangiti nalang ako dahil ang swerte swerte ko sa kaniya. He's a total package. Sweet, caring, loving, and understanding. Bonus nalang yung kagwapuhan niya, hehe.

Kahit na kasal na kami at buntis na ako, parang teenager parin ako. Yun bang in love na in love sa kaniya. I always think, I am awesome for loving him for long years.

Mula teenager hanggang ikasal? That's definitely awesome.

I know I am not that perfect wife of him. Topakin, mainitin ang ulo, at palaging nagtatampo ang ugali ko. Pero sweet ako kapag siya nalang ang kasama ko.

PDA is not our style, siguro minsan haha.

After 15 minutes of waiting ay dumating na din ang ice cream ko.

Umupo siya sa sofa katabi ko at ibinigay sa akin ang ice cream. Sumandal naman siya sa balikat ko at ipinikit ang mga mata.

Nakokonsensya ako sa ginawa ko, nagpuyat siya kagabi dahil may tinapos sa work tapos gigisingin ko siya ng maaga dahil sa cravings ko.

"Love, sorry ha." sabi ko sa kaniya at hinalikan ang noo niya. Niyakap naman niya ako ng mahigpit at isinubsob ang kaniyang mukha sa bandang dibdib ko.

"No need to say sorry love, sanay na ako. Minahal kita kaya gagawin ko ang lahat para sayo. Naiinis man ako, pero mahal parin kita."

"Uhh, I love you too." parang na touch na sabi ko.

Nakatulog na siya habang ako ay kumakain lang. Mag aalas singko na ata nang magising siya at hinalikan pa niya ako sa labi. Nanonood ako ng cartoons habang kumakain ng ice cream 3 am hanggang 5 am, hanep.

2 months pa naman akong buntis pero grabe na talaga ang ugali ko.

"Good morning." i greeted him.

He's Worth Waiting For (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon