Chapter 7

200 7 4
                                    

Hindi ako makatulog sa natanggap kong package. I don't want to assume kasi masasaktan lang ako pero sino naman kaya ang nagpadala sa akin nito galing abroad? May kamag-anak naman ako sa ibang bansa pero hindi nila alam ang address ng nirerentahan ko.

Tinext ko si Ary kung may alam ba siya dito pero wala raw. Tinanong ko din kung may pinagbigyan ba siya ng address ko pero wala rin daw. 

Nababaliw na ako kakaisip kung sino ba talaga ang nagpadala. Mas nabaliw pa ako sa quote na yon. Bumilis ang tibok ng aking puso dahil don. Bakit sa isang simpleng pangungusap naapektuhan agad ang puso ko?

What if its you? What if you're the international sender? What if I am not in delusional stage right now? What if I am right?

--

Kinabukasan ay naghanda ako para umattend ng simba malapit sa tinutuluyan ko. Marami akong gustong ipasalamat sa panginoon dahil hanggang ngayon binibigyan parin niya ako ng lakas para magpatuloy sa laban ng aking buhay.

Masyado man akong nasaktan, nandiyan naman si Lord para gamutin ang sugat ng aking puso. Marami na ding nangyari sa akin at sa pamilya ko noon ngunit nakatayo parin kami at patuloy na lumalaban.

One thing I really put inside my head until now : "Stand in faith even when you're having the hardest time of your life."

While reminiscing those painful events that happened in the past, my eyes starts to turn blurry because of the tears. I feel relieved crying at the front of our lord, I feel satisfied. I feel that he is really with me always.

After the mass ay pumunta ako sa isang bookstore na nasa malapit lang. Marami akong nakikitang teenagers sa fiction section books kung saan nakalagay din ang mga librong isinulat ko.

Nagulat ako ng lumapit sa akin ang isa at sumigaw kaya lahat ng atensyon ng andoon ay nasa amin. Gosh, nahihiya ako. Hindi pa rin ako sanay sa mga maraming taong humahanga sa gawa ko.

"Si Miss Fawziyaaaa! Omo, I can't!" 

"Hala oo nga! Pa-autograph po miss fawziya!"

"I'm a fan of your inspirational stories! Please notice me!"

Andami nila super, more than 20 silang may dala-dalang book ko. 

"Okay kalma, ang gustong sumama sumunod lang sa akin. Doon tayo sa isang coffee shop." pagkasabi kong iyon ay mas lumapad ang mga ngiti nila. Natatawa nalang ako sa mga itsura nila, ang cute kasi nila.

Nasa loob na kami ng coffee shop. Mabuti nalang at konti lang ang customers na nasa loob. Isa-isa ko silang inentertain at pinirmahan ang libro kong binili nila.

'Love Fawziya', yan ang pirma ko at todo tili sila nang matapos kong pirmahan ang libro nila.

Lahat sila ay umuwi na maliban sa isa, nasa labas kami ng coffee shop at nakayuko siya ngayon.

She looks sad, inside.

"Alam niyo po dati halos araw-araw akong nawawalan ng pag-asa. Lagi ko ngang sinusugatan ang mga kamay ko dahil sa mga problemang dumating sa pamilya namin." sabi niya at pinakita ang kamay niya, maraming peklat ng laslas at napatingin ako sa kaniya.

Naaawa ako kaya niyakap ko siya.

"Pero noong sinimulan kong magbasa napansin ko ang gawa mo Ms. Fawziya, doon ko narealize na hindi ko dapat sayangin ang buhay ko, na hindi dapat ako susuko kahit anong mangyari. Iyon yung panahon na hindi ko na pinepeke ang ngiti ko tuwing lalabas ako ng silid. Maraming salamat sa mga gawa mo Ms. Fawziya, you are a savior."

He's Worth Waiting For (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon