Chapter 17

129 5 0
                                    

Fawziya Sandra's Pov

Nakakapagtaka ang reply ni love , ah basta ewan ko ba may kakaiba kasi eh. Nararamdaman ko lang na ang weird.

Binalewala ko na lang ang nararamdaman ko at kumuha ng cookies at milk sa refrigerator. Sakto namang nadatnan ko si Mama na gumagawa ng vegetable salad na kakainin niya.

"Oh anak, bukas pala ang balik mo sa school. Sabi ng doktor kasi mas mabuti kung maeexposed ka ulit sa dating environment mo. Sinabihan ko na ang tutor mo sa pagho-home schooling, pumayag na siya." tumango ako.

"Sige po Ma."

--

Kinabukasan ay naghanda na ako sa pagbalik ko sa school. Nakarating na ako ng safe sa school namin at pinagtitinginan ako ng iilang mag-aaral doon.

Bakit? May alam ba sila sa nangyari sa akin?

"Sandra!" napalingon ako ng may sumigaw sa likuran ko.

Napakunot ang noo ko dahil nga hindi ko siya makilala.

"Uh? Oh! May amnesia ka nga pala , I'm Dreyanne! Your friend."

Dreyanne? Nice name.

"Uh, hello. Sorry dreyanne kung ang awkward, kasi alam mo that freaking amnesia."

"Don't worry ok lang yun sa akin, you are still my friend. Oh? Tara?" hinila niya ako at pumasok sa classroom daw namin.

Pagpasok ko ay pinagtitinginan na din ako ng mga kaklase ko. Natigil lang ito ng pumasok na ang professor namin.

"Aware naman kayo sa kalagayan ni Ms. Mendoza, so task niyong pangalagaan at ipaalala sa kaniya ang masasayang alaala niya dito sa campus natin. Maliwanang ba?"

"Yes Ma'am."

I felt relieved when they started to talk to me sincerely.

--

Maayos naman ang simula ng pagpasok ko at sa dumating pang ilang subjects.

Naglalakad ako ngayon na mag-isa sa hallway ng may isang lalaking may dalang teddy bear at nakatingin sa akin.

"Fawziya."

"Uh?" naguguluhang tanong ko.

"Pwede na ba akong manligaw?" medyo nagulat ako sa sinabi niya. Ang straight forward kasi ng pagkakasabi niya.

"Uh, may boyfriend ako sorry." tsaka nagmadaling umalis doon. Pero bago ako tuluyang makaalis ay may narinig ako galing sa lalaking iyon.

"Weird, noon wala siyang boyfriend at study first. Tsk, mga babae."

--

Naglunch ako kasama si Dreyanne at ng mga kaklase ko.

"Sandra, anong feeling may amnesia?" tanong ni Vien.

"Ewan, wala kang maalala sa past?" sabi ko.

"Akala ko sa palabas lang yan nangyayare eh." natatawang sabi niya.

"Alam mo ba, yung ilang estudyante sa building natin ay hangang hanga parin sayo. Alam mo din ba na isa kang sikat na author, at kaya ka pinagtitinginan kanina dahil may dala silang libro at magpapa sign ata. Welcome ata nila yon sayo, dati kasi busy ka masyado at wala ng time sa mga ganon, lagi ka kasing nasa library." kwento ni Dreyanne.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa kanila, ganun ako kasikat? Andami non ah?!

--

Nang makauwi na ako sa bahay ay naging busy ako sa mga paper works at iba pang assignments na ibinigay sa amin.

He's Worth Waiting For (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon