Chapter Two

655 59 15
                                    

Jaze Kyle's POV

"Kaklase mo ba 'yung babaeng bumubully sayo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa room niya. Napag-isipan kasi naming lima na ihatid siya sa room nito dahil baka pagtripan na naman siya.

"Opo, Kuya Kyle," sagot niya.

"Bakit ka naman niya binubully?" tanong ni Edward sa kanya.

"Matatatas po kasi 'yung mga nakukuha kong points sa mga quiz at palagi akong pinupuri ng mga guro." Sagot niya. "Nang hindi pa po kasi ako pumapasok ng tatlong araw, siya yata ang laging nangunguna at lahat ng guro ay natutuwa sa kanya. Kaya nang dumating ako at pakiramdam niya ay naagawan siya ng pwesto, nagsimula na siyang pagtrip-an ako."

Tumango-tango ako pagkatapos niyang magsalita. So that's the reason why she bully her, huh? Tsh.

"Mag-aral ng mabuti, okay?" nakangiting sabi ko ng nasa harap na kami ng room nila.

Malapad siyang ngumiti. "Opo, Kuya Kyle! Salamat po sa libreng pagkain."

"You're welcome."

Kinawayan niya pa kami bago siya pumasok. Kami namang lima ay agad naglakad papunta sa room at agad umupo sa kanya-kanyang silya. Maya-maya ay pumasok na ang unang guro namin sa hapon na si Miss Villarose.

"Good afternoon," nakangiting sabi niya.

"Good afternoon, Miss!" sabay-sabay naming bati at nagsipagtayo.

"Take your seats."

"Thank you Miss!"

"Sinong nakagawa ng assignment?" tanong niya at nagsipagtaasan naman kaming lahat ng kamay. "Lahat ng nakagawa, ilagay ninyo dito sa harap ang assignment notebook ninyo."

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang assignment notebook ko. Ang mga kaklase ko ay nagsipagpasa na ng kanilang mga notebook sa harap kaya tumayo na rin ako para ilagay rin do'n ang akin. Naglakad agad ako pabalik sa upuan ko at umupo.

Napatingin kaming lahat sa pinto ng may kumatok. Nakita naming pumasok si Dean sa room.

"Good afternoon Dean!" masiglang bati namin at tumayo.

"Take your seats," aniya na isenenyas pa na maupo kami. Nakipag-usap pa siya saglit kay Miss Villarose bago tumingin sa amin. "Ang dalawang bago niyong kaklase ay dumating na. I'm hoping that you will treat them well."

Can't promise that, Dean.

Ang iba kong kaklase ay napasigaw sa tuwa dahil may bago kaming magiging kaklase. May iba din namang tahimik lang pero halatang excited din sila. Ang mga kaibigan ko naman ay halatang hinihintay na pumasok ang dalawa. Samantalang ako, seryoso lang at walang pake-alam.

"Nasa'n na sila, Dean?" nakangiting tanong ni Riana. Nakangiti namang tumingin si lolo sa may pinto at may pumasok na isang babae.

"Grabe... ang ganda niya," mahinang sambit ni Tim pero dinig na dinig ko dahil katabi ko lang siya.

Hindi naman talaga maipagkakailang maganda ang babae. Ang kanyang mahabang buhok na hanggang baywang ay bumagay sa kanya.

"Ang ganda niya!" 'yan ang paulit-ulit kong narinig mula sa mga kaklase ko, mapababae o mapalalaki.

"Magpakilala ka na sa kanila, hija," nakangiting sabi ni lolo sa kanya. Humarap sa amin ang babae at malapad na ngumiti.

"Shit! 'Yung puso ko," mahinang ani Tim.

I'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon