Jaze Kyle's POV
Sa bawat klase ngayong umaga ay halos tulala lang ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa akong lokohin ng ganoon ni Yanyan. At ang pinakamasakit talaga ay ang katotohanang nakita ko siyang nakikipaghalikan sa ibang lalaki sa mismong monthsarry namin.
Tila nababalutan ako ng kadiliman at kalungkutan at hindi ko alam kung saan ang daan palabas. Ang puso ko ay tila nagkapira-piraso dahil sa nangyari kahapon. Napakasakit para sa akin dahil minahal ko siya ng sobra. Pinagkatiwalaan ko siya pero nagmukha lang akong tanga.
Nais kung gawin ang sinabi ni Lyn kahapon na h'wag kong isipin kung may pagkukulang ba ako pero hindi ko maiwasan. Wala akong makitang dahilan para mangyari sa akin ang lahat ng ito, wala akong makitang rason para masaktan ako ng ganito.
"Kyle, tara na sa cafeteria..." rinig kong aya ni Tim sa akin.
Pumikit ako at humugot ng malalim na hininga at malakas iyong pinakawalan. Naninikip ang dibdib ko sa tindi ng sakit na dinadala ng puso ko, maging ng buong pagkatao ko.
Tumayo ako at nagpaunang maglakad habang nakapamulsa. Agad sumunod sa akin ang apat. Alam ko na nakatitig silang apat sa akin at pinapanood ang bawat galaw at kilos ko. Bumuntong-hininga nalang ako at hindi pinansin ang lahat ng nasa paligid ko.
Nang makarating kami sa cafeteria ay nagtilian na naman ang lahat pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang mga bulungan ng iba tungkol sa namumugto kong mga mata. Hindi ko alam kung alam na ng lahat ang nangyari pero tila hindi pa dahil bukod sa mga naririnig ko ngayon, hindi nila nababanggit ang paghihiwalay namin ni Yanyan at ang dahilan non.
"Anong gusto mong kainin, buddy?" tanong ni Tim at tumabi sa akin habang nakapila kaming lima.
"Anything," walang kagana-ganang sagot ko.
"Mauna na kayong maupo nina Edward at Androny sa pwesto natin, kami na ni Steve ang mag-oorder. Libre ko kaya h'wag niyong problemahin ang bayad." Pormal na sabi niya.
Tumango lang ako at naglakad na papunta sa pwesto namin at agad namang sumunod ang dalawa. Umupo sa tabi ko si Androny samantalang sa kaharap ko namang silya naupo si Edward.
"Stop staring at me," napapabuntong-hiningang sabi ko.
"Nag-aalala lang kami sa'yo dahil kanina ka pa tahimik at parating tulala." Mahihimigan ang pag-aalala sa boses ni Androny.
"I'm not okay," pag-amin ko. "But everything will be okay in the next few days, weeks or months."
"Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako." Naiiling na sambit ni Edward.
Mas lalo na ako. Hindi ko inaasahan na masasaktan ako ng ganito. Akala ko, kilalang-kilala ko na ang taong mahal ko ngunit nagkamali ako. Hindi ko man lang agad napansin na ginagamit niya lang ako simula pa noong naging kami. Siguro ay sobra akong nabulag sa pagmamahal ko sa kanya kaya hindi ko namalayan na itinuturing niya lang akong reserba.
Bumuntong-hininga ako dahil naninikip na naman ang dibdib ko dahil sa mga pumapasok sa isip ko.
Dumating na ang dalawa dala ang mga binili nila. Tahimik kaming kumain at nararamdaman ko na madalas silang tumingin sa akin na tila ba binabantayan ang mga kilos ko. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa.
Lumipas ang oras at ngayon ay uwian na. Nag-uusap-usap silang apat samantalang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Sa t'wing nagtatanong sila ay iiling o tatango lang ako bilang sagot.
Nang makarating kami sa parking lot ay naroon na rin sina Lyn at mga kaibigan niya.
"Guys!" biglang sambit ni Jay.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going)
ActionI'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going) Being close to Jaze Kyle Lim and his four friends is one of the biggest dreams of all LJU students, especially women. But knowing Jaze Kyle and his friends, they are not easy to get along with because they know...