Prologue

702 67 2
                                    

Parang kailan lang ng masaktan ako. 'Yung bang pakiramdam na nagmahal ka lang naman pero may kapalit na sakit. 'Yung bang pakiramdam na ginawa mo naman lahat-lahat pero sa huli ay sinaktan ka pa rin at niloko. 'Yung bang pakiramdam na akala mo ikaw lang pero may iba pa pala. Minsan talaga, kahit ginawa mo na lahat, kahit binigay mo na lahat, sa huli ay sasaktan at lolokohin ka pa rin dahil hindi ka sapat para sa kanya.

Hindi ko inaasahan na sa kabila ng sakit na nararamdaman ko dahil sa panloloko ng babaeng akala ko ay mahal ako ay magkakagusto muli ako sa isang babae.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nalito sa nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ang babaeng kinaiinisan ko lang noon at ang babaeng gustong-gusto ko ng mawala ng tuluyan sa paningin ko noon ay biglang nagbago sa isang iglap. Dahil ngayon, siya ang dahilan kung bakit ako masaya. Lagi ko siyang gustong makita at makausap. Bawat galaw at kilos niya ay pinapanood ko. Ang mga ngiti at tawa niya ang kinaaadikan kong makita at marinig. Ganoon ang epekto niya sa akin.

Sinong mag-aakala na ang babaeng dati lang na itinuturing ko na kaaway ay ang babaeng ngayon ay kinababaliwan ko. Babaeng siyang minamahal ko ngayon ng buong puso.

Mahirap ang masaktan, sobra. Pero dahil sa parte ng pag-ibig ang masaktan, kahit gaano kasakit ay titiisin ko para sa taong mahal ko.

I love her, that's why I'm willing to take the risk for her. She's my happiness, she's my world, she's my everything. Losing her is just like losing myself.

I'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon