Chapter One

743 75 8
                                    

Jaze Kyle's POV

"Hey, Jaze Kyle!" I looked at where the voice coming from. Alam ko na boses iyon ni Edward. Nakita ko siyang tumatakbo palapit sa kinaroroonan ko. Hinintay ko siyang makalapit sa akin at sabay na kaming pumasok sa gate.

"You're always in the mood this past few days, huh?" I looked at him.

"So what, dude?" I asked and raised an eyebrow.

"Tapos na ba ang pagiging badboy? Nagsign off ka na ba?" sarkastikong sabi niya.

"I'm still a badboy, Edward. Wala lang talaga akong mapag-initan ng ulo dahil halos lahat naman sila ay natatakot sa 'kin."

"Really?"

"Mmm. No one have the guts to play with me, dude." Nakangising sabi ko.

"Let see, Kyle," he smirked. "One day, there's a person who can make you bend on your knees."

I tsked. "That person 'doesn't' exists."

"Ako nga, naniniwala lang dati d'yan sa 'it doesn't exist' na 'yan. Pero ngayon, hindi na." He shook his head. "Sinong mag-aakala na ang babaeng dati ay binubully ko ay girlfriend ko na ngayon?"

"Karma mo na 'yon!"

"'Yon na ang pinakamagandang karma sa buhay ko kung gano'n." Nakangiting sabi niya at napailing nalang ako. Talagang nahulog na siya ng sobra.

"Alam mo, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kayo na. Pero masaya ako para sayo, dude." Nakangiting sabi ko at naghigh-five kaming dalawa.

"How are you and Yanyan?" he suddenly asked.

"We're okay." Tipid kong sagot.

"It's been a week since Yanyan becomes your girlfriend. That's the main reason why you're always in the mood, right?"

"You got it right, dude."

Dire-diretso kaming naglakad at hindi pinansin ang mga studyanteng nakatingin sa amin. Nang makarating sa tapat ng pinto ng room namin sa ikalawang palapag ay agad kaming pumasok. Dalawang linggo na ang lumipas simula nang magsimula ang klase. And this year, gagraduate na rin kami ng high school.

"Nandito na ba si Androny?" tanong agad ni Edward sa mga kaibigan namin nang makaupo kami. Ang paningin ng mga babaeng kaklase namin ay nasa aming apat.

"Nakikita mo ba siya dito sa loob ng room, hah?" Nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Steve.

"Ang sungit mo pa rin talaga!" si Edward. Inirapan lang siya ni Steve.

"Dalawang araw lang tayong hindi nagkita Edward, namiss mo na agad ako." Natatawang sambit ni Androny nang pumasok siya sa room.

"Asa ka namang mamimiss kita. Gago!"

"Asus, kunwari ka pa!" Androny teased him more. Napailing nalang ako at seryosong tumingin sa harap. Tumahimik na ang dalawa nang dumating na si Mr. Villanueva.

I'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon