Chapter Three

337 51 2
                                    

Jaze Kyle's POV

"Grabe! Jusko po! Muntikan ng mahulog puso ko sa kaba kanina!" gilalas ni Tim habang naglalakad kami pabalik sa room.

"Pa'nong hindi niya malalaman na gusto mo kaibigan niya kung halatang-halata ka naman kasi." Natatawang ani Edward. "Saka sa kanya ka lang kasi nakatingin, e!"

"Ngayon lang ako kinabahan ng ganito..." napapabuntong-hiningang sabi ni Tim.

"Buti nga at hindi ka naihi sa kaba, e!" Tumatawang sambit ni Edward at natawa rin kaming apat.

"Gago! Sa lahat talaga ng sasabihin mo ay 'yan pa, 'no?" Natatawang ani Tim habang umiiling.

"Kung nakita mo lang siguro ang reaksyon mo kanina sa pagiging straight forward ni Lyn, baka matatawa ka sa mismong reaksyon mo."

"Malamang na alam kong nakatatawa dahil halos muntikan ka ng mawalan ng hininga kanina, e. Kulang nalang ay magpagulong-gulong ka sa sahig habang hawak-hawak ang tiyan mo sa katatawa." Puno ng sarkasmo ang boses na sabi ni Tim.

"Ang epic naman kasi, e!"

"Tumigil ka na, Edward. Ang ingay-ingay mo," seryosong sabi ni Steve.

"Kill joy pa rin talaga. Ang bitter," rinig kong bulong ni Edward.

"Narinig kita, Edward Domingo."

"Ay, gano'n ba, Steve Santos? Sorry naman," sarkastikong ani Edward.

Napailing nalang ako sa kaingayan nila. Halos wala atang araw na walang nakasusumbatan sa amin si Steve. Kung ano kasing gusto niyang sabihin, sasabihin niya agad-agad. Hindi siya masungit, straight to the point lang kapag nagsasalita.

Nang makarating sa room ay agad kaming nagsiupo. Ilang minuto lang ang lumipas ay pumasok na rin sina Lyn at mga kasama niya. Ngayon ay hinihintay nalang namin ang magtuturo sa amin. Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ring dumadating. Siguro ay hindi pa tapos ang meeting.

Nang hindi na makapaghintay ang mga kaklase ko ay nagsipag-ingay na sila. Ang iba ay lumabas na dala-dala ang mga bag nila.

Kinuha ko ang bag ko at isinabit iyon sa isang balikat ko bago tumayo. Sinenyasan ko ang apat kaya nagsipagtayo rin sila at kinuha ang mga bag nila. Nakapamulsa akong naglakad palabas at sumunod naman sila. Hindi ko alam kung anong gagawin namin pero siguro ay tatambay nalang kami sa field.

Puro nalang pangalan ni Kiana ang naririnig ko sa bibig ni Tim. Hanggang sa mag-uwian ay pangalan pa rin nito ang binabanggit niya. Hindi nalang ako nagreklamo sa kaingayan niya dahil ganoon rin naman ako noon, puro si Yanyan ang binabanggit ko.

Nang makarating ako sa bahay ay sinalubong ako ng yakap at halik sa pisngi ni mom. Dahil sa mas matangkad na ako kay mom, yumuko ako para hindi na siya mahirapan. Nasanay na ako dahil lagi namang ganoon ang ginagawa niya sa t'wing umuuwi ako galing sa paaralan simula noong bata pa ako at hanggang ngayong malaki na ako.

"How's my baby?" nakangiting tanong niya at humiwalay sa yakap.

"Im fine, mom," tugon ko at napailing sa itinawag niya sa akin. "I'm not a baby anymore, mom..." nakangusong sabi ko.

I'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon