Chapter Fourteen

200 29 4
                                    

Lyn's POV

Nauna kaming nakarating ni Kiana sa bar na tinutukoy ni Jay. Ilang minuto lang ang lumipas ay nagsidatingan na ang mga kaibigan namin.

"Oh, nasa'n na sila?" tanong ni Jay, marahil ay tinutukoy ang mga lalaki.

"On the way na siguro," sagot ni Riana.

Ilang minuto ay dumating na nga sina Edward, Steve at Androny. Ang hinihintay nalang namin ngayon ay ang dalawa, sina Tim at Kyle.

Tumabi sa akin si Androny. "Kanina pa kayo dito?"

"Hindi naman," pormal na sagot ko.

Nakita namin ang paparating na kotse at alam naming pagmamay-ari 'yon ni Tim. Nang makapagpark na ito ay agad itong lumabas at naglakad palapit sa kinaroroonan namin.

"Ang aga niyo naman," nakangiting sabi niya.

"Hindi kami maaga, sadyang ang kupad-kupad mo lang talaga!" singhal ni Edward sa kaibigan.

"Nagpagwapo ka ba?" sarkastikong sabi ni Androny. Pinanliitan siya ng mga mata ni Tim pero tinaasan niya lang ito ng kilay.

Gusto kong matawa nang yumuko ng bahagya si Kiana, marahil ay alam kung saan papunta ang usapan.

"Kinikilig ka?" nakangising bulong ko at masama ang tingin niya nang bumaling sa akin.

"Shut up," may diing sabi niya.

Nagpigil ako ng tawa dahil nakahihiya naman sa mga tao na narito sa bar. Um-order na ng drinks ang mga lalaki at ipinahatid na sa VIP room na pinili ni Jay sa 'taas.

Maya-maya ay nakita na namin si Kyle. Mataman ko siyang tinitigan at napansin ko sa mga mata niya, maging sa kilos niya ang pagod. Sa itsura niya pa lang ay halatang nasasaktan pa rin siya. Kahit sino naman siguro ang nasa sitwasyon niya ay masasaktan mas lalo na't mahal mo 'yung tao pero niloko ka lang.

Bumuntong-hininga ako. Minsan talaga ay nakakatakot magtiwala sa isang tao dahil alam mo na kapag nasobrahan ka sa pagtitiwala sa kanya, sa oras na niloko ka niya ay para na ring nawala ang lahat sayo.

Umakyat na kami at pumunta na sa room na pinili ni Jay kanina.

Napansin ko ang pagiging tahimik ni Kiana. Nang bumaling ako sa kanya ay nakita kong naiilang siya mas lalo na't nakatingin ang mga kaibigan namin sa kanya.

"H'wag niyo nga akong tignan ng ganyan!" inis niyang sigaw.

"Bakit naman teh? Naiilang ka ba?" nakangising sabi ni Jay. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, nagpipigil ng tawa.

"Bakit namumula ang pisngi mo, Kiana? Nagblush-on ka ba?" natatawang sabi naman ni Jana.

"Shut up!"

"Sinabi lang na nagpapagwapo si Tim, nailang ka na?" natatawang sabi naman ni Riana.

"I said shut up!"

Hindi ko na napigilang matawa dahil napansin ko ang pamumula ng buo niyang mukha. Pinanliitan niya ako ng mga mata pero nginisian ko lang siya at paminsan-minsan ay mahina akong natatawa.

I'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon