Lyn's POV
Naglalakad ako pero napahinto ako ng may nahagip ang paningin ko. Nakita ko si Kyle na parang wala sa sariling naglalakad. Umawang ang labi ko ng makitang dumudugo ang kanyang mga kamay. Mugtong-mugto ang mga mata niya at halatang katatapos lang umiyak.
Deretsyo siyang nakatingin sa daan at nilampasan ako na tila ba hindi ako nakikita.
Anong nangyari sa isang 'yon?
Paglingon ko sa harap ay nakita ko ang apat niyang kaibigan. Nasa mga mata nila ang pag-aalala habang nakatingin kay Kyle.
Lumapit ako sa kanila. "Anong nangyari sa kanya?"
"Break na sila ni Yanyan," malungkot na sabi ni Androny. Umawang ang labi ko sa nalaman.
"Tangina! Sineryoso siya ni Kyle pero simula palang pala ay ginagago na siya! Hindi ko alam na gano'n pala si Yanyan!" galit na sigaw ni Tim.
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.
"Kaya ganyan ang kaibigan namin kasi nahuli niya lang naman na may kahalikan si Yanyan na lalaki! Tangina! Bakit niya ginago ang kaibigan ko?!" galit na galit na sigaw niya. Ngayon ko lang nakitang ganito si Tim.
Niloko ni Yanyan si Kyle? Bakit?
Bumuntong-hininga ako dahil wala akong masabi. Nilingon ko si Kyle na ngayon ay palabas na sa gate. Bigla namang tumunog ang cellphone ko at binasa ang message ni Kiana. May pupuntahan pala kami.
Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na ako.
"Bakit ang tagal mo?!" inis na tanong ni Kiana sa akin nang makasakay ako sa passenger's seat.
"Magmaneho ka na nga lang! Masyado kang maingay!" pikon na sigaw ko sa kanya.
Pinaandar na niya ang kotse at pumunta na kami sa dapat naming puntahan. Habang nasa byahe ay nakatingin lang ako sa dagat. Papalubog palang ang araw kaya ang ganda ng tanawin.
Nang makarating kami sa isang hotel ay nakipagkumustahan kami sa pinsan ni Kiana na kauuwi lang ng Pilipinas. Ilang minuto kaming nag-stay doon at medyo madilim na nang napag-isipan naming umuwi.
Habang nakatingin sa labas ay may napansin ako. Isang lalaki ang nakaupo sa tabing-dagat. Nang paglingon ko sa daan ay nakita ko ang kotse ni Kyle.
"Ihinto mo," wala sa sariling sabi ko kay Kiana.
"Hah?" takang tanong niya at tumingin pa sa akin.
"Ihinto mo!" Nilakasan ko ang pagkakasabi at inihinto niya nga ang sasakyan. Bumaba ako at bago ko isara ang pinto ay nagsalita ako.
"Hintayin mo ako dito, may kakausapin lang ako."
"Sino?"
"Basta!"
"Sige," pormal na sabi niya. Isinara ko na ang pinto at lumingon sa kinaroroonan ni Kyle. Naglakad ako sa buhangin at lumapit sa kanya. Nakita ko ang mga bote ng alak sa gilid niya kaya nasisiguro kong umiinom siya.
"Pwedeng umupo?" tanong ko sa kanya at gulat siyang nag-angat ng tingin pero agad ring yumuko. Hindi siya umimik kaya umupo nalang ako malapit sa tabi niya.
Ilang minutong katahimikan at narinig ko siyang nagsalita.
"Deserve ko bang masaktan ng ganito?" tanong niya habang nakatingin sa pinakamalayong parte ng dagat na kayang abutin ng mga mata niya.
"Hindi," agad kong sagot at napatitig sa kanya. "Okay ka lang ba?" mahinang tanong ko sa kanya. Lumingon siya sa akin.
"Gusto ko sanang sabihin na oo, pero halata naman sigurong hindi ako okay..." Naiiling na sabi niya.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going)
ActionI'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going) Being close to Jaze Kyle Lim and his four friends is one of the biggest dreams of all LJU students, especially women. But knowing Jaze Kyle and his friends, they are not easy to get along with because they know...