Jaze Kyle's POV
"Who did that to her?" bawat salitang binigkas ko ay may diin.
Iginala ko ang paningin ko sa lahat hanggang sa tumigil iyon kay Anne na ngayon ay halos nanginginig na sa sobrang kaba. Bumaba ang paningin ko sa kamay niya at nakita ko ang hawak niyang maliit na timba.
"So it's you..." seryosong sabi ko.
Humakbang ako palapit sa kanya at halos napaatras ang iba, takot na madamay. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakayuko siya, takot na salubungin ang mga mata ko.
Bumaling ako sa isang babae at nakita ang hawak niyang bottled water. Seryoso akong naglakad sa kanya at walang sabi-sabing kinuha iyon sa kanya. Nang mabuksan ko iyon ay bumalik ako sa harap ni Anne at ibinuhos ko ang lahat ng iyon sa kanya. Napasinghap ang lahat sa ginawa ko, ang iba ay halos nanigas sa kinatatayuan.
"I don't like what you did to her. Tumigil na ako sa panggagago sa kanya, pero bakit hanggang ngayon ay pinagtitripan mo siya?" malamig ang boses na sabi ko. "Do you want me to do everything you did to her this past few days so that you can also feel what it feels like to be embarrassed in front of many people?"
Hindi siya nakaimik pero rinig ko ang mahina niyang mga hikbi. It's so annoying!
"Tigilan mo ang mga ginagawa mo kay Lyn, dahil sa oras na may ginawa kang hindi maganda sa kanya, gagawin ko ang lahat maging miserable lang ang buhay mo."
Naglakad ako papunta sa CR at nakita ko sa loob sina Lyn at Kiana. Hindi sila nag-uusap pero ang paningin ni Kiana ay deretsyong nakatuon sa kaibigan na ngayon ay nakayuko habang nakahawak ang mga kamay sa lababo bilang suporta.
Hanggang ngayon ay may tumutulo pa ring mga butil ng tubig sa mga suot niya, maging sa mga buhok niya.
Hinubad ko ang jacket na suot ko at naglakad palapit sa kanila. Tumingin ako kay Kiana na ngayon ay nakatingin na rin sa akin at kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala para sa kaibigan.
Ibinalot ko kay Lyn ang jacket na hinubad ko. "Kailangan mong magpalit ng suot, baka magkasakit ka." Mahinahong sabi ko.
Naramdaman ko ang panginginig niya kaya mas lalo kong ibinalot ang jacket sa katawan niya. Marahan ko siyang pinatayo ng maayos at hinawakan sa pulsuhan at hinila palabas.
Ang mga kaibigan ko ay mataman lang na nakatingin sa amin. Ang mga kakalse ko ay nakatayo pa rin sa kinatatayuan, tila nakapako sila roon. Bumaba kami ng hagdan at hanggang sa makarating kami sa parking lot ay hawak-hawak ko siya.
Binuksan ko ang pinto ng passenger seat ng kotse ko. "Get in."
Tahimik siyang sumakay at isinara ko na ang pinto at umikot. Sa oras na nakasakay ako sa driver's seat ay agad kong pinaandar ang kotse at pinausad. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito pero wala akong oras na kwestyunin ngayon ang sarili ko dahil walang ibang nasa isip ko kundi ang ihatid siya para makapagpalit siya ng suot. Wala na akong pake kung hindi na kami makapasok sa unang klase.
Bumaling ako sa kanya at nakita kong nakatingin lang siya sa labas habang mahigpit ang hawak sa jacket na nakabalot sa kanya. Ganoon siguro kalamig ang tubig na ibinuhos sa kanya dahil hanggang ngayon ay nanginginig siya. Hindi ko alam pero parang gusto kong balikan si Anne at buhusan rin ng malamig na tubig. Gusto ko siyang pahirapan hanggang sa mawala ang lahat sa kanya.
Binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan na tila ba may hinahabol ako. Nang makarating sa Village na tinitirahan nilang dalawa ay huminto kami sa gate ng Village dahil nakasara iyon, pero ng makita ng guard si Lyn ay binuksan niya agad iyon at pinausad ko na ang sasakyan at inihinto sa tapat ng gate ng bahay na tinutuluyan nila.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going)
AkcjaI'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going) Being close to Jaze Kyle Lim and his four friends is one of the biggest dreams of all LJU students, especially women. But knowing Jaze Kyle and his friends, they are not easy to get along with because they know...