Chapter Eleven

229 36 1
                                    

Jaze Kyle's POV

Napapansin ko ang madalas na pagiging busy ni Yanyan nitong mga nakaraang araw. Iniintindi ko na lang dahil alam ko kung gaano kabusy ang pagiging senior students at mga graduating students pa kami. Pero kahit na busy ako ay kaya ko namang maglaan ng oras sa kanya, pero bakit ni text-an man lang ako ay hindi niya magawa?

Monthsarry namin ngayon at may inihanda akong sorpresa para sa kanya. Maaga akong pumasok at pati ang apat dahil nagpatulong ako sa kanila. May isang room na hindi pa ginagamit ng mga studyante at walang mga upuan roon kaya doon ko binalak ang sorpresa para sa kanya. May mga lobo na magkakaiba ang kulay at laki. May malaking banner sa harap at nakasulat doon ang 'Happy 2nd Monthsarry, Babe'.

May mga kung ano-ano pa ang nakadikit doon sa harap at may mga lobo sa sahig at kisame na nagpadagdag sa ganda ng room. May mga litrato rin na nakadikit sa kung saan-saan.

Halos hindi ko naintindihan ang mga sinasabi ng mga guro dahil hindi ako mapakali.

"Kumalma ka nga!" natatawang sabi ni Tim.

"Kanina ka pa palakad-lakad d'yan Kyle, anong meron?" natatawang sabi naman ni Jay.

"Kaya nga, eh! Nahihilo na ako sayo!" sabi ni Riana.

"Kinakabahan 'yan," nakangising sabi ni Steve.

"Hah? Bakit naman?" takang tanong ni Riana.

"May surprise kasing inihanda si Kyle para kay Yanyan."

"Ay oo nga, 'no! Ngayon pala, 'yung monthsarry nila! Ang sweet mo naman, Kyle!" kinikilig na sabi ni Riana.

Tanghali na at ngayon ko na sana sosorpresahin si Yanyan ngunit nang tinawagan ko siya kung pwede ba siyang pumunta sa field ay mamaya na lang raw dahil may mga kailangan pa siyang tapusin ngayon. Mamayang hapon na lang siguro.

Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain. Hindi ko alam pero nawalan ako ng gana.

"Akala ko ba tanghali ang surprise?" takang tanong ni Tim.

"May mga tinatapos pa siya kaya mamayang hapon nalang."

Lumingon ako sa gawi nila Lyn. Alam ko na hindi siya palasalitang tao pero tila dumoble ang pagiging tahimik niya ngayon.

Nang lumingon ulit ako sa kanya ay nagulat ako ng magtama ang paningin namin dahil deretsyo na siyang nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin dahil naiilang ako sa mga titig niya.

Lumipas ang ilang oras at ngayon na ang surprise. Nandoon na ako sa loob kasama ang apat at hinihintay nalang namin si Yanyan. Nagsend na ako ng message sa kanya kanina pa pero sampung minuto na ang lumipas ay wala pa rin siya.

"Bakit hindi mo siya tawagan?" sabi ni Androny.

"Sige..." Inilabas ko ang cellphone sa bulsa ko at idinial ang number niya.

Nagring ito pero nagulat ako ng may marinig ako na cellphone na nagring kasabay ng tawag ko. Pagtingin ko sa apat ay nagtaka rin sila dahil narinig din nila iyon. Sigurado akong malapit lang iyon dito kaya sinundan ko ang tunog at sinundan naman ako ng apat. Lumabas ako ng room at mas lalong lumakas ang tunog. Naglakad ako sa kaliwa at bawat hakbang ko ay mas lumalakas iyon maging ang tibok ng puso ko sa hindi maipaliwanag na kaba.

Napahinto ako ng may marinig ako. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at nanginig ang mga kamay ko at halos muntikan ko nang mabitawan ang cellphone ko.

"Bakit hindi mo sagutin?" boses ng isang lalaki. Nagtaka naman ako at paglingon ko sa apat sa likod ko ay salubong ang mga kilay nila.

"Wala naman akong pake-alam sa kanya, eh." Parang pinukpok ng martilyo ang puso ko ng marinig ang boses na 'yun. Halos nagtayuan ang mga balahibo ko at hindi ko mapangalanan ang sakit na bigla ko nalang naramdaman.

I'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon