Lyn's POV
Hindi naging tahimik ang pag-aaral ko sa paglipas ng isang linggo at alam kong hindi nila ako titigilan hanggang hindi nila ako nakikitang magdusa ng sobra. Si Anne ay hindi na rin ako tinantanan at tama ang hula ko na ako ang sisisihin niya kung bakit napagsabihan siya ni Androny.
"Buti at nakakayanan mo pa ring mag-aral ng mabuti kahit ang hirap ng pinagdadaanan mo?" Tanong ni Jana habang nakatingin sa akin.
"Kahit gaano kasi kahirap ang sitwasyon, hindi ko pa rin pababayaan ang pag-aaral ko." Pormal na sabi ko.
Tumambay na muna kami sa field pagkatapos naming magmeryenda. Dahil maaarte kasi ang mga studyante dito at ayaw maarawan dahil takot umitim, ayaw nilang pumupunta rito t'wing break time maging sa tanghali. Dahil sa madalas may nanggugulo sa amin, sa akin to be exact, ako nalang ang nag-a-adjust at dito nalang tumatambay.
"Tara na. Malapit nang magsimula third class natin." Tumayo na ako at ganoon rin ang mga kaibigan ko.
"Dito ulit tayo tatambay bukas, mga bakla." Sabi ni Jay at um-oo kaming lahat.
Naglakad na kami pabalik sa room. Buti nalang talaga at wala na kaming nakakasalubong na mga studyante dahil siguradong may hindi na naman magandang mangyayari sa akin kung sakaling maraming studyante ang naririto sa dinadaanan namin.
Nang nasa tapat na kami ng room ay nakita kong nakasara ang pinto. Itinulak ko iyon at nanlaki ang mga mata ko ng may sumigaw dahil nasa likod pala siya ng pinto. Nakita ko na nakahandusay sa sahig si Kyle at may cake na naroon sa dibdib niya at sirang-sira na iyon, maging ang bouquet ng bulaklak ay nalagyan rin ng cake.
"Damn it!" gilalas niya at nag-angat ng tingin sa akin at ganoon kabilis nadagdagan ang galit na naroon sa mga mata niya nang makitang ako na naman ang may kasalanan.
"Ang malas mo teh..." rinig kong bulong ni Jay.
"You, again?!" malakas nitong sigaw at mabilis na tumayo at umawang ang labi ko nang kwelyuhan niya ako.
Napasinghap ang ibang mga kaklase namin pero ang iba ay nakita kong nagpipigil ng tawa.
"Kyle, stop," awat ni Tim sa kaibigan pero hindi siya pinakinggan ni Kyle.
"What's your problem, Lyn?! You ruined my day last time and now... shit!" Napangiwi ako sa sakit ng marahas niya akong itinulak papasandal sa pader.
"Oh my gosh!" gilalas ni Jana.
"Oy! Bitiwan mo nga 'yang kaibigan ko!" sigaw ni Kiana at sinubukang kalasin ang pagkakakwelyo ni Kyle sa damit ko pero itinulak siya nito kaya napaupo siya sa sahig.
"What the heck, Kyle?!" sigaw ni Tim at mabilis na lumapit kay Kiana at tinulungang tumayo.
"Alam mo ba kung gaano kaimportante ang araw na ito sa 'kin, hah?" galit na galit na sabi niya at muli akong napangiwi ng mas lalo niya akong idiin sa pader.
"Aray ko..." mahinang sabi ko.
"I'm planning to surprise my girlfriend because today is our monthsarry, but how can I do that now if the cake and flowers are ruined?!" malakas niyang sigaw at halos nag-echo iyon sa loob ng room. "At ang mas nakakainis pa ay nasira iyon ng dahil sayo! Bakit ba gustong-gusto mong sirain ang araw ko, hah!? Hindi ka ba marunong kumatok at hindi yung bubuksan mo nalang agad-agad yung pinto?!"
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going)
ActionI'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going) Being close to Jaze Kyle Lim and his four friends is one of the biggest dreams of all LJU students, especially women. But knowing Jaze Kyle and his friends, they are not easy to get along with because they know...