Lyn's POV
Hindi ako nakauwi sa bahay noong araw na sinabi ni Kuya na pumunta ako roon dahil sa nangyari. Isang araw lang akong nanatili sa hospital. Nang lumipas ang tatlong araw ay saka lang ako pumunta sa bahay at sinalubong ako ng maraming tanong ng pamilya ko. Gusto nilang pumunta sa LJU at kausapin si Dean tungkol sa mga ginagawa ng mga studyante sa akin pero ginawa ko ang lahat para pakalmahin at pigilan sila.
Hindi ko alam kung bakit ko ba naisipang pumunta rito. Ihahatid naman ni Tim si Kiana pagkatapos ng Acquaintance Party kaya wala akong problema. Pero kung hindi ako pumunta rito, baka hindi na talaga umabot si Kyle. Baka nga hanggang ngayon ay naroon pa rin siya sa gitna ng kalsada kung hindi ng dahil sa akin, eh.
Napansin ko na nagsisilabasan na ang mga studyante, tapos na siguro ang Acquaintance Party.
Ilang minuto lang ay nakita ko na si Kiana kasama ang mga kaibigan namin. Maya-maya ay nakita ko na rin si Kyle kasama ang mga kaibigan niya.
Bumuntong-hininga ako bago naisipang lumabas ng kotse.
"Oh my gosh! Lyn!" malakas na sigaw ni Jana na unang nakapansin sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. Naglakad ako palapit sa kinaroroonan nila habang nakapamulsa. Napansin ko na ang paningin ni Kyle, maging ang mga kaibigan niya ay nasa akin.
"How's the party?" tanong ko sa kanila ng makalapit.
"Masaya. Kaso mas masaya kung naroon ka kanina." Nakangusong sagot ni Jana.
"Okay ka na ba?" tanong sa akin ni Riana.
I smiled at her. "Yeah. Pwede na ulit mabully." Pagbibiro ko.
Tumingin ako kay Kyle at nahuli ko siyang nakatingin akin. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at kunwaring tumitingin sa kung saan-saan. Napailing nalang ako.
"Bakit ka pa pumunta rito?" pormal na tanong ni Kiana.
"Bawal ba?"
"Hindi naman. Pero nanatili ka nalang sana sa bahay at nagpahinga."
"Okay na ako, Kiana. Saka nababagot ako kaya naisipan ko na magmaneho nalang papunta dito kahit wala rin akong ginawa kundi manatili sa loob ng kotse."
"Kanino ka sasabay, Kyle?" rinig kong tanong ni Androny sa kaibigan.
"Kay Tim. Pumayag naman siya dahil malapit lang naman bahay nila sa amin."
"Nauna na ba si Yanyan?" takang tanong naman sa kanya ni Steve.
Tumango siya. "Oo, eh. Nagpaalam siya kanina sa akin na mauuna na siya, kaya baka nakauwi na 'yon ngayon."
Saan siya lumabas kung ganoon? Hindi ko inalis sa gate ang paningin ko habang nasa kotse, kaya bakit hindi ko nakitang lumabas siya? Hmm.
Nagpaalam na ang iba at nauna ng umuwi kaya ngayon ay apat nalang kaming naririto.
Bumuntong-hininga ako at naglakad na palapit sa kotse ko. Nang buksan ko ang pinto at papasok na sana ay muling nahagip ng paningin ko si Kyle. Nakatingin siya sa dalawa na ngayon ay nag-uusap.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going)
AksiI'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going) Being close to Jaze Kyle Lim and his four friends is one of the biggest dreams of all LJU students, especially women. But knowing Jaze Kyle and his friends, they are not easy to get along with because they know...