Chapter Eight

207 32 0
                                    

Jaze Kyle's POV

"Ang gwapo naman ng kapatid ko!" Namamanghang sabi ni Ate nang makababa ako ng hagdan.

"Manghang-mangha ka na naman." Nakangising sabi ko. "Ipinanganak na kasi akong gwapo, Ate. Masanay ka na dahil hindi na 'yon mababago."

"Whatever, Jaze Kyle Lim."

"Oh my gosh! Ang gwapo ng baby boy ko!" Nakangiting sabi ni mom nang makita ako. Katabi niya ngayon si Jennie na nakangiti habang nakatingin sa akin.

"Thanks mom."

"Mana sa 'kin!" malakas na sambit ni dad at natawa kaming lahat.

"I know, dad." Natatawang sambit ko.

"Oh sige na, sunduin mo na si Yanyan at baka kanina pa naghihintay 'yon."

Tumango naman ako. Nakipagyakapan pa ako sa kanila bago ako lumabas ng bahay. Nang makalapit ako sa kotse ko ay agad ko itong pinatunog at binuksan na ang pinto sa driver's seat at pumasok. Tinignan ko sa relo na suot ko kung anong oras na, 6:35PM.

Agad akong nagmaneho para sunduin si Yanyan. Ilang minuto ang lumipas ay nagulat ako nang biglang huminto ang kotse ko.

"Shit! Wala ng gasolina!" iritang sigaw ko.

Kung kailan nagmamadali ako tsaka pa naman nangyari ito! Ang nakaiinis pa ay walang kabahay-bahay sa pinaghintuan ng kotse ko!

"Argh! Bwisit! Baka kanina pa naghihintay si Yanyan! Damn it!" Pinaghahampas ko ang manibela sa sobrang inis.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang numero ni Yanyan.

"[Kyle, nasa'n ka na?]" bungad na tanong niya nang sagutin ang tawag.

Napabuntong-hininga ako. "Babe, pwedeng magpahatid ka nalang muna?" nahihiyang sabi ko.

"[Hah? Why? May nangyari ba?]"

"Mamaya ko nalang sasabihin sayo. Basta magpahatid ka nalang muna sa daddy mo..." Nakagat ko ang sariling labi. Hiyang-hiya ako sa kanya, sobra.

"[Okay... Just make sure na darating ka, hah?]"

"Of course," agad kong sagot. "Bye na."

"[Bye...]"

Pinatay ko na ang tawag at muling pinaghahampas ang manibela. Napakamalas ko naman, oh!

Lumabas ako ng kotse at malakas na isinara ang pinto. Mas lalong nag-init ang ulo ko at mas lalo akong namroblema nang makitang flat ang isang gulong ng kotse!

"Bwisit talaga!" sigaw ko.

Naisipan kong tawagan si dad para humingi ng tulong pero napapakit ako ng mariin ng hindi na mag-open ang cellphone ko. Lowbat pa ang tanginang cellphone!

Naihilamos ko ang sariling kamay sa mukha sa sobrang inis. So paano na ngayon? Saan ako hihingi ng tulong?

Wala na ngang kabahay-bahay sa pinaghintuan ng sasakyan ko, wala pa atang sasakyan ang dadaan rito! Wala tuloy akong ibang pagpipilian kundi ang maghintay na may dumaang sasakyan para humingi ng tulong. Nanlumo ako sa katotohanang kanina pa nagsimula ang Acquaintance Party at wala pa ako roon.

"Ang swerte mo, Kyle." Naiiling na bulong ko.

Napasandal nalang ako sa kotse habang nakapamulsa. Napatingala ako. Kahit naiinis ako dahil napakamalas ko ngayon ay hindi ko mapigilang mapangiti habang tinitignan ang maraming bituin sa langit at ang buwan.

I'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon