Lyn's POV
"Saan pala kayo nakatira?" tanong ni Riana habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.
"D'yan lang sa Allison Village," pormal na tugon ni Kiana.
"Wow! Eh 'di mayaman kayong dalawa? Mayayaman ang mga nakatira ro'n, 'di ba?" biglang tanong ni Jana.
"Hindi naman..." napapakamot sa ulo na sagot ni Kiana.
"Asus! Kilalang-kilala ang Village na 'yan! Halos mansion lahat ang nakatayo sa AV!"
Hindi nalang umimik si Kiana. Buti nalang at hindi na muling nagtanong pa ang dalawa.
Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin na halos lahat ng studyante ay napapatingin sa gawi amin, mas lalo na ang mga lalaki. Napabuntong-hininga nalang ako ng marinig ang mga ibinubulong nila.
Bubulong na nga lang, naririnig pa.
"Ang ganda nilang apat, grabe!"
Halos sumang-ayon ang lahat sa sinabing iyon ng isang lalaki, maliban nalang sa mga babae na masama ang tingin sa aming apat. Kulang nalang ay lumapit sila sa amin at sabunutan kami, e.
Napailing nalang ako at deretsyo na tumingin sa daan. Seryoso ang mga mukha naming apat habang naglalakad at hindi pinansin ang mga taong nakatingin sa amin. Hindi naman kasi kami pumasok rito para sa kanila, pumasok kami rito para mag-aral. Hindi kami gutom sa atensyon.
Um-order na agad kami nang makarating sa cafeteria. Limang minuto na ang lumipas simula ng mag-break time kaya maraming bakanteng upuan ngayon. Mas okay ng kakaunti nalang ang studyante bago kami pumunta rito dahil hindi ganoon kaingay, hindi gaya kapag marami na halos daig pa ang mga tao sa palengke.
"Hindi ko maiwasang ma-miss ang mga kaklase ko sa dati kong paaralan," sambit ni Jana nang makaupo kami sa madalas naming inuupuan rito sa cafeteria.
"Bakit ka pala lumipat rito?" tanong ni Riana sa kanya.
"Nagpatayo kasi kami ng bagong bahay. Nagkataon na mas malapit itong LJU kaysa sa dati kong pinapasukan kaya dito na nila ako pinapasok. Okay lang naman sa akin kaya walang problema."
"Kaklase natin siya, 'di ba?" biglang sambit ni Kiana.
"Hah? Sino?" takang tanong ni Riana.
"Siya," inginuso ni Kiana ang tinutukoy.
Tumingin kaming tatlo sa tinutukoy niya at oo, kaklase nga namin siya. Nasa harap siya ng cashier, nag-o-order ng kakainin niya.
"Oo, kaklase natin siya," sambit ni Riana. "Jay Mendoza ang pangalan niya."
"In fairness, ang gwapo niya," kaswal na sabi ni Kiana.
Nagkatingin si Riana at Jana, kapagkuwan ay sabay silang tumawa. Napailing nalang ako dahil alam ko kung anong iniisip nila.
"Hindi kayo talo, girl! Kung type mo siya, sorry ka nalang dahil hindi ka magugustuhan n'yan." Tumatawang ani Jana.
Natitigilang napatingin si Kiana sa kanya. "Oy! Hindi ko naman sinabi na gusto ko siya, 'no! Sinabi ko lang na gwapo siya." Naiiling na aniya. "Pero 'di ko gets 'yung sinabi mo. Ano ulit?"
"Ang pinupunto ko ay lalaki rin ang gusto niya!" dagdag ni Jana at nanlaki naman ang mga mata ni Kiana.
"Talaga?" hindi makapaniwalang sambit ni Kiana. "Ibig mo bang sabihin, si Jay ay may katawang lalaki pero may pusong babae?"
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going)
AcciónI'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going) Being close to Jaze Kyle Lim and his four friends is one of the biggest dreams of all LJU students, especially women. But knowing Jaze Kyle and his friends, they are not easy to get along with because they know...