Chapter Fifteen

198 32 0
                                    

Lyn's POV

Napangiwi ako habang tinitignan sila isa-isa. Sa sobrang kalasingan ng iba ay halatang hindi na nila kayang magmaneho pauwi. Ang mga bote na wala ng laman ay nakakalat kung saan-saan. Ang iba pa ay hawak-hawak nila habang mahimbing nang natutulog. Kami nalang yata nina Kiana at Androny ang nasa tamang wisyo dahil hindi kami masyadong nakaimom.

"So anong gagawin natin sa mga 'to?" nakangiwing tanong ni Kiana habang nakatingin sa mga kasama namin.

"Wala tayong magagawa kundi ang ihatid sila sa kani-kanilang bahay." Naiiling na ani Androny.

Napakawak si Kiana sa sariling noo. "Sumasakit ang ulo ko sa kanila! Kung bakit naman kasi sila uminom ng marami, eh!"

Bumuntong-hininga ako. "Gaya ng sabi ni Androny, wala na tayong magagawa pa kundi ang ihatid nalang sila. Hindi naman natin pwedeng hayaan na dito sila matulog, mas lalo na ang dalawang 'yon." Itinuro ko sina Tim at Edward na ngayon ay magkatabing nakahiga sa malamig na sahig.

"Damn..." hindi makapaniwalang sambit ni Kiana. "So we really have no choice, huh?"

"Ako na ang maghahatid kina Steve, Tim, Edward at Kyle." Natural na sabi ni Androny.

Napatingin ako kay Kyle na ngayon ay mahimbing na rin na natutulog.

"Hindi magiging komportable ang isa sa kanila kung silang apat ang isasakay mo sa kotse mo." Natural na sabi ko. "Hayaan mong ako na ang maghatid sa isa. Si Kyle."

Napatingin siya sa akin. "Are you sure? Alam mo ba kung saan siya nakatira?"

Tumango ako. "Alam ko kung saang village pero hindi ko alam kung saan doon ang bahay nila. Magtatanong nalang ako sa guard."

"Ako nalang ang maghahatid sa tatlong 'yan," inginuso ni Kiana sina Jana, Riana at Jay. Bumuntong-hininga siya at tumingin sa akin. "Paano ang mga sasakyan nila?"

"Kukuhanin nalang nila bukas."

Nanatili pa kami ng ilang minuto bago naisipang ihatid na sila. Nagpatulong kami sa mga bouncer ng bar na akayin ang mga kasama namin palabas. Gaya ng napag-usapan ay inihatid na nilang dalawa ang mga nakasakay sa kotse nila, samantalang nakasakay naman si Kyle sa passenger's seat ng kotse ko.

Tumingin ako sa kaniya at napailing habang inaalala kung gaano karami ang nainom niya kanina. Ganoon nalang siguro niya kagusto na mawala ang sakit na nararamdaman niya pansamantala.

"Pag-ibig nga naman," mahinang bulong ko at napailing.

Nang mapansin ko na hindi pa pala siya nakaseat-belt ay lumapit ako ng bahagya para abutin at ikabit 'yon. Halos pinigilan ko ang paghinga ko habang ikinakabit ang seat-belt dahil masyadong matapang ang amoy ng alak sa kaniya.

Umayos ako ng upo at pinaandar na ang kotse. Bumuntong-hininga muna ako bago 'yon pinausad.

"Hindi ko alam kung sasama pa ako sa kanila sa susunod." Naiiling na bulong ko.

Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng village nila. Inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng guardhouse. Lumabas ako at lumapit sa guard na ngayon ay nakatingin na sa akin. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.

I'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon