Jaze Kyle's POV
Tatlong araw na ang lumipas simula nang muntikan akong mawala sa sarili dahil sa galit. At ang nakakainis, sa buong tatlong araw ay tila hinahabol ako ng konsensya, naguguilty ako at ewan ko ba kung bakit. I swear, ito ang kauna-unahang beses na tila gusto kong humingi ng sorry sa isang tao na nasaktan ng dahil sa akin. Hindi ko alam kung anong meron kay Lyn para makaramdam ako ng ganito sa kanya. Hindi ko talaga alam kung bakit sa t'wing nakikita ko siyang tulala at tahimik lang pagkatapos ng nagawa ko sa kanya, gusto kong pumunta sa harapan niya at humingi ng tawad.
Sa araw rin na iyon, halos muntikan akong mapaaway sa hindi ko kilalang lalaki. Sa sobrang inis ko kasi dahil hindi siya umalis sa dinaraanan ko, itinulak ko siya kaya ayon, gaya ng ginawa ko kay Lyn ay kinuwelyuhan rin ako. Ganoon na siguro kabilis dumating ng karma sa akin. Halos balaan pa ako ng lalaki na magkikita ulit kami.
Si Androny ay halos hindi ako pinapansin. Sa t'wing kasama namin siya, laging seryoso ang mukha niya at malamig ang pakikitungo niya. Madalas ay nahuhuli ko pa siyang nakatingin lang kay Lyn mas lalo na sa t'wing may naglalakad palapit sa gawi nito, tila binabantayan niya ito dahil baka kapag nalingat lang siya saglit ay saktan at ibully na naman si Lyn ng mga studyante, mas lalo na ang mga babae. Hindi na bago para sa akin na makita siyang ipinagtatanggol ang mga pinagtitripan ko pero ibang-iba siya pagdating kay Lyn.
May gusto kaya siya sa kanya? Hmm... siguro.
Bumuntong-hininga ako at napailing. Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa dami ng iniisip ko. Hindi ko alam kung bakit tila problemadong-problemado ako.
"Anong nangyayari sa akin?" mahinang bulong ko at napasabunot sa sariling buhok habang nakapatong ang mga siko sa tuhod.
"Anong nangyayari sayo, Kyle?" Nagtatakang tanong ni Edward sa akin. Nararamdaman ko na silang tatlo nina Tim at Steve ay nakatingin na sa akin.
Muli akong napabuntong-hininga. "May mga iniisip lang ako."
"At ano naman ang mga iniisip mo?"
Umiling nalang ako at hindi na nagsalita. Ayaw kong sabihin sa kanila ang mga laman ng isip ko dahil baka gawin nilang pang-inis iyon sa akin araw-araw.
Sa dami ng iniisip ko, hindi ko mapigilang mapangiti ng maalala kung anong in-announce kahapon. Next friday na ang Acquaintance Party at si Yanyan ang partner ko.
"Oy, Lyn, nandito kuya mo."
Mabilis akong nag-angat ng tingin ng marinig ang boses ni Kiana. Nakatayo siya sa harap ni Lyn habang nakaupo ito.
"Bakit daw siya nandito?" may bahid ng pagtataka sa boses na tanong ni Lyn.
Pinagkrus ni Kiana ang mga braso. "I don't know. Tumawag siya sa akin at tinanong kung nagkaklase na ba tayo pero sinabi ko na hindi. Sinabi niya na pupunta siya rito sa room."
"Oh my gosh!" tili ng isang babae at sinundan agad ng naglalakasang mga tili ng halos lahat ng babae rito sa room. Napatingin kaming lahat sa pinto at nakita ang isang lalaki na nakatayo mismo roon.
Kuya ni Lyn ito?
"Ang gwapo!" rinig kong sambit ni Crizhie, kaklase kong babae na nakaupo sa harap ko.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going)
ActionI'M IN LOVE WITH MY ENEMY (On-going) Being close to Jaze Kyle Lim and his four friends is one of the biggest dreams of all LJU students, especially women. But knowing Jaze Kyle and his friends, they are not easy to get along with because they know...