KABANATA 2
"Aling Jingjing, pabili nga po ng sabon panlaba."
Lumingon siya sa akin mula sa panonood ng teleserye. Napatingin din ako sa pinapanood niya at hindi ko namalayan na napatagal na pala ang aking pagtitig doon. Bigla ay parang nakikita ko na si Lincoln at ako ang bida sa palabas kung saan may eksena kami kung saan may kissing scene.
Napapikit ako at ngumuso habang hinihintay ang palapit na halik sa akin ni Lincoln. Pero agad akong napadilat at napadura ng may malasahan ako na sabon. Napatingin ako kay Aling Jing-jing habang nagpapahid sa labi ko.
"Hay, Naku, Juliet. Gumising ka sa realidad. Hindi ka magugustuhan ng lalakeng na-i-imagine mo dahil dukha ka lang katulad namin."
"Grabe naman kayo, Aling Jing-jing. Yun na sana, pero pinatikim niyo naman sa akin ay sabon."
Sanay naman na ako sa masakit na salita ni Aling Jing-jing upang gisingin ako sa realidad. Masakit aminin na tama siya. Kailanman ay hindi ako magugustuhan ni Lincoln, pero hindi naman masamang humanga. Kaya ipagpapatuloy ko iyon lalo't hindi ko pa rin makalimutan kung anong kabaitan ang ipinakita niya sa akin.
"Oh, limang piso dito. Baka utangin mo pa ito, naku, malulugi na ako sa kakautang niyo."
Kinuha ko ang pitaka ko sa bulsa ng short ko at kumuha ako ng baryang pambayad. Pero dinagdagan ko dahil meron pa akong nais na bilhin.
"Ah... Aling Jing-jing, pabili nga rin po ng fabric conditioner."
Tinignan niya ako habang kumukuha ng fabric conditioner sachet. 'Yung tingin niya ba ay parang may nakikita siya sa aking kakaiba.
"Ngayon ka lang bibili nito, ah.. May pinapabanguhan ka, ano?"
Natawa ako sa tanong niya at nilapag ko ang bayad ko bago ko hablutin sa kanya ang fabric conditioner.
"Napakausisera niyo talaga, Aling Jing-jing." napailing kong sabi.
"Naku! Kumekerengkeng ka na, Juliet! 'Wag ka na umasa, dahil habang buhay ka lang din malulugmok sa squater na kagaya namin! Maghanap ka ng mayaman para hindi mangyari iyon."
Hanggang sa pag-alis ko sa tindahan niya ay rinig na rinig ko pa rin ang parang microphone na boses niya. Balewala sa akin iyon. Dahil kahit ano pang sabihin nila, makakaalis at makakaalis ako sa squater na ito kapag nakatapos na ako ng pag-aaral at kapag nakapasa na ako sa board exam.
Pagpasok ko sa aking munting bahay ay nilibot ko ang tingin sa buong paligid. Kahit saang sulok ka tumingin, kahirapan ang makikita mo. Kahit anong sipag ko sa paglilinis at pagandahin ito ay wala rin dahil kitang-kita ang paghihirap ng apartment na ito na ilang tao o pamilya na ba ang nangupahan.
Napahinga ako ng malalim at lumapit sa lamesa kung saan nakalapag ang mga libro ko at ilang gamit ko sa school. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ko ang panyong puti. Inamoy ko ito at napangiti ako dahil nanunuot pa rin ang napakabangong amoy. Ayoko sanang ibalik o labhan dahil nais kong i-exhibit sa munti kong work table, pero dahil hindi akin ito ay kailangan kong ibalik.
Pumasok ako sa banyo dala-dala ang binili kong panlaba at maging ang panyo. Naupo ako sa bangkong maliit na upuan at kaharap ko ay ang aking palanggana.
Inamoy ko pa muli at inubos na ata ng pang-amoy ko ang amoy ng panyo bago ko ilagay sa palanggana na may tubig at sabon. Maigi, maingat, at punong puno ng ngiti kong kinusot ito. Sinigurado ko na maayos na maayos ang pagkakalaba ko rito. Tinaas ko ito at napatitig ako sa initial ng panyo. LPS. It means my prince charming, chos!
Natawa na lang ako at binanlawan ito ng maigi, maayos, at puno ng kilig. Ngayon lamang ako gumastos at magsasayang ng pera para sa karampot na bango na hatid ng fabric conditioner na ito. Ni uniporme ko ay hindi nalalapatan nito, kaya sana ay effective ito dahil nakakahiya kung ibabalik ko ito ng hindi mabango.
BINABASA MO ANG
The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under Editing
General FictionHindi naman siya kagandahan pero bakit kaya siya pa ang pinag-aagawan? Pilit niyang umiiwas pero ang mahanging hatid na dala ng mga hari ay hindi niya maiwasan. Naiipit siya sa mga tinaguriang hari ng Esteban University. Takot siya lalo na sa King o...